★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Angourie Rice, Reneé Rapp
Genre: Comedy, Musical
Runtime: 1 hour, 52 minutes
Director: Samantha Jayne, Arturo Perez Jr.
Writer: Tina Fey
Production: Broadway Video, Little Stranger
Country: USA
Base sa libro, stage play at iconic movie na Mean Girls (2004), ang bersyong ito ay susundan ang parehong kuwento ng mga nabanggit. Tungkol ito sa bagong lipat na estudyanteng si Cady Heron (Angourie Rice) at ang pakikipagsapalaran nito sa mundo ng High School.
Sa bagong paaralan na kaniyang pinasukan ay makikilala niya ang grupo na tinaguriang "Plastics" na pinamumunuan ni Regina George (Reneé Rapp). Hihikayatin ni Regine si Cady na sumali sa kanilang samahan at doon na unti-unting makikilala ni Cady ang totoong kulay ng grupong kinakatakutan sa kanilang paaralan.
Musical ang palabas na ito kaya asahan mong punung-puno ito ng mga kantang hango sa stage play version ng kuwento. Mapapanood mo pa rin naman dito ang istoryang minahal ng maraming tao pero mayroon na itong ilang pagbabago para makasabay sa bagong henerasyon. Maayos naman nilang naipasok ang ilang adjustments para magmukhang present time ang setting ng pelikula, ang problema nga lang ay masyado nang luma ang kuwento nito para sa makabagong panahon. Para lang itong matandang sinuotan ng pambatang damit at kahit anong pilit ay hindi ito magandang tignan.
Isa sa mga hindi ko nagustuhan dito ay ang pagiging mediocre ng palabas. Parang bumaba ang quality nito imbis na tumaas. Ang mga Plastics na kinagiliwan natin noong 2004 ay hindi kasing VIP katulad ng gustong palabasin ng kuwento. Hindi sila cool tignan at ang isang dahilan nito ay ang mga outfit nila na hindi na papatok sa panahon ngayon. Nagmukha lang silang fan girl ng mga totoong Platics na pilit silang ginagaya. Walang wow factor ni isa sa kanilang tatlo. Exaggerated din ang naging pagganap ng mga bida sa puntong nakaka-cringe itong panoorin. Para bang pilit nilang ginagaya ang mga naunang nagsiganapan sa halip na gawan nila ito ng sarili nilang bersyon.
Pagdating sa mga kanta, magaganda ang mga pyesa na maririnig mo rito. Maganda rin ang choreography at ang overall production ng mga musical scenes. Maliban sa mga kanta, nagustuhan ko rin dito sina Auliʻi Cravalho at Jaquel Spivey na gumanap bilang Janis at Damian. Para sa akin ay sila ang naging highlight ng palabas dahil maganda ang naging pag-arte nila pati na rin ang performances nila sa mga musical scenes kung saan sila kasama. Pinataob nila ang mga bidang sina Rice at Rapp na kinulang pagdating sa pagsasabuhay sa mga iconic characters na sina Cady at Regina.
Natuwa pa rin naman akong panoorin ang palabas pero dahil remake na ito, umasa akong may bago silang maibibigay sa manonood pero sa halip na makapagbigay ng kakaibang bersyon, isang pelikula na para bang hindi pinaghandaan ang inihain nila sa bagong henerasyon at siguro'y ini-asa na lang nila ito sa kasikatan ng pangalan ng pelikula para makahakot ng manonood.
© Broadway Video, Little Stranger
No comments:
Post a Comment