Starring: Tony Goldwyn, Monica Potter, Sara Paxton
Genre: Thriller
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Dennis Iliadis
Writer: Adam Alleca, Carl Ellsworth
Production: Rogue Pictures, Craven/Maddalena Films, Crystal Lake Entertainment, Sean S. Cunningham Films, Scion Films, Midnight Entertainment
Country: USA, South Africa
Apat na pugante na pinaghahanap ng mga pulis ang kumidnap at nanghalay ng dalawang dalaga. Matapos gawin ang karumal-dumal na krimen ay inabutan sila ng bagyo kaya kinailangan nilang sumilong sa pinakamalapit na bahay na kanilang nakita — ang bahay ng mag-asawang sina Emma (Monica Potter) at Dr. John (Tony Goldwyn) na mga magulang pala ng isa sa mga naging biktima ng grupo. Noong nalaman ng dalawa ang ginawa ng mga bisita nila sa kanilang unica hija, isang malaking paghihiganti ang kanilang gagawin.
Sabrang hirap sikmurain ng first half ng palabas hindi dahil pangit ito kundi dahil napakabrutal ng mga pangyayari. Naiintindihan ko naman dahil kailangan 'yun para ma-establish kung gaano kasama ang mga killer at para maging satisfying din ang revenge part ng pelikula. Nagawa naman nila 'yon ng maayos dahil napakabigat sa dibdib ng parteng 'yon ng palabas.
Nakakaba ang mga eksena rito sa The Last House on the Left lalo na sa parte kung saan ay nasa bahay na ng bida ang mga killer. Mas lalo pang nagpadagdag ng kabog sa dibdib ko ang musical score nito na akmang-akma sa mga tagpo. Maliban sa kaba, excited din akong makita kung ano pa ang mga susunod na mangyayari dahil alam kong reveng movie ang pinanonood ko kaya kaabang-abang kung ano ang maaaring kahinatnan ng mga kontrabida. Ang problema, masyado lang akong nag-anticipate sa climax. Mabait masyado ang mga bida sa naging paghihiganti nila. Umasa ako ng torture dahil may sapat naman silang motivation na gawin ang bagay na 'yon. Gusto ko sana maghirap muna ang mga killer katulad ng dinanas ng anak nila pero nauwi sa medyo less satisfying ang ending ng palabas.
Simple lang ang istorya ng The Last House on the Left. Straight to the point ang takbo ng istorya na magbibigay ng kaba sa bawat viewers. Tipikal na thriller movie lang ito. Hindi siya exceptional pero hindi rin naman disappointing.
© Rogue Pictures, Craven/Maddalena Films, Crystal Lake Entertainment, Sean S. Cunningham Films, Scion Films, Midnight Entertainment
No comments:
Post a Comment