Search a Movie

Sunday, February 23, 2025

Harold and the Purple Crayon (2024)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Zachary Levi, Benjamin Bottani
Genre: Adventure, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 30 minutes

Director: Carlos Saldanha
Writer: David Guion, Michael Handelman, Crockett Johnson (book)
Production: Columbia Pictures, Davis Entertainment, TSG Entertainment
Country: USA


Isang karakter mula sa pambatang libro si Harold (Zachary Levi) na mayroong magical purple crayon. Anuman ang iguhit niya gamit nito ay nagiging totoo katulad na lang ng mga kaibigan niyang sina Moose (Lil Rel Howery) at Porcupine (Tanya Reynolds).

Sa kaniyang pagtanda, ang narrator ng kaniyang libro na nakasanayan na niyang tawagin bilang Old Man (Alfred Molina) ay biglang nawala. Sa kagustuhan niyang mahanap ito ay nagpunta si Harold at ang dalawa nitong kaibigan sa tunay na mundo. Doon ay sari-saring problema ang kahaharapin nila na malayo mula sa mundong kanilang nakagisnan.

Kung panonoorin mo ang palabas na ito mula sa point of view ng isang bata ay maganda ang Harold and the Purple Crayon. Nakakatuwa siya, nakakamangha at nakakapukaw ito ng interes. Maganda kasi ang premise ng palabas, very magical para sa mga batang manonood. Subalit kung nasa edad ka na at mapanuri ka sa mga palabas na iyong pinapanood, masasabi kong pang guilty pleasure lang ang pelikulang ito. Tipikal na kasi ang kuwento nito kung saan may isang taong hinahanap ang bida at ang taong 'yun na ang magsisilbing twist ng palabas. Hindi na bago ang mga ganoong storyline at predictable na ito. Ganoon pa man, na-enjoy ko pa rin ang panonood nito dahil hindi naman ako nagtaas ng expectation habang nanonood. Alam kong para ito sa mga bata kaya nagkaroon ako ng malawak na pag-iisip habang pinapanood ko ito.

Maraming eksena sa pelikula na nakakatawa pero may mga eksena rin namang boring dahil karaniwang filler lang naman ang mga ito. Hindi ko nagustuhan ang naging pag-arte ni Levi sa palabas dahil para siyang matandang may special needs na napakalayo mula sa karakter na kaniyang ipino-portray. Sinayang nila sa palabas na 'to si Zooey Deschanel na napaka-one dimensional ng karakter. Ang galing niyang aktres pero ginawa lang siyang nanay na close minded. Boring din ang storyline pagdating sa batang bida, overused na ang backstory niya kaya wala nang kakaiba mula rito. Kung may isang karakter akong nagustuhan dito ay si Moose dahil siya ang nagbuhat ng buong pelikula.

Puwede na itong pampalipas-oras dahil proven nang may niche ang mga ganitong klase ng palabas kahit na iisa lang naman ang kuwento nila. Nasa tao na lang kung gaano kababa o kataas ang sense of humor nila para magustuhan nila o kamuhian ang palabas na ito.


© Columbia Pictures, Davis Entertainment, TSG Entertainment

No comments:

Post a Comment