Search a Movie

Sunday, December 23, 2018

Ice Age: Collision Course (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Blue Sky Studios
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Ray Romano, John Leguizamo, Denis Leary, Simon Pegg
Genre: Animation, Adventure, Comedy, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 34 minutes

Director: Mike Thurmeier
Writer: Michael J. Wilson, Michael Berg, Yoni Brenner, Aubrey Solomon (story)
Production: Blue Sky Studios, FortyFour Studios, Twentieth Century Fox Animation
Country: USA


Tulad ng nakaugalian, ang squirrel na si Scrat (Chris Wedge) ay abala pa rin sa paghahanap ng pagbabaunan ng kaniyang acorn. Sa pagkakataong ito ay aksidente siyang mapapadpad sa isang space ship na magdadala sa kaniya sa kalawakan na siyang dahilan ma,am kung bakit mapapalitan ang ruta ng mga asteroids na ngayon ay patungo na sa direksyon ng Earth.

Kasabay nito ay abala naman ang mag-asawang sina Manny (Ray Romano) at Ellie (Queen Latifah) sa pagpaplano sa paparating na kasal ng kanilang unica hija. Sa pagdating ng araw ng kasal ay ilang asteroid ang tatama sa kanilang lugar dahilan upang ma-unsyami ang pagtitipon. Sa kanilang paglikas ay muli nilang makakasalamuha si Buck (Simon Pegg) na siyang maghahatid sa propesiya tungkol sa malaking asteroid na tatama sa mundo.

Dito na magsisimula ang panibagong paglalakbay ng kanilang grupo upang muling iligtas ang mundo mula sa naka-ambang delubyo.

Ito na ang ika-limang installment ng Ice Age sa kanilang franchise at sa totoo lang ay paubos na ang dala nitong ganda, kumbaga sa pagkain ay mauumay ka na sa mga karakters nito. Mabuti na lang at may idinagdag silang bagong kasama ng mga bida. To be fair ay nasa kamalayan naman ng mga tao sa likod ng pelikulang ito na ang mga ideya nila ay pababaw na ng pababaw. Ganun parin ang ikot ng istorya, kinakailangan nilang maka-survive sa paparating na apocalypse.

Pero hindi naman ganoon kapangit ang Ice Age: Collision Course dahil marami parin naman itong nakakatawang punchlines lalo na mula sa karakter ni Sid (John Leguizamo) at ang lola nitong si Granny (Wanda Sykes). Matatawa ka parin naman kahit na alam mo na kung papaano ang ikot ng kuwento. 

Ang isang nagustuhan ko sa palabas ay ang ilang mga facts sa totoong buhay na isiningit nila sa kuwento nito na para bang ito ang tunay na nangyari. Masaya parin itong panoorin lalo na kung mahilig ka sa animation at fan ka ng naturang franchise.


No comments:

Post a Comment