Search a Movie

Sunday, December 16, 2018

The Butterfly Effect (2004)

Poster courtesy of IMDb
© BenderSpink
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Ashton Kutcher, Amy Smart
Genre: Sci-Fi, Thriller
Runtime: 1 hour, 53 minutes

Director: Eric Bress, J. Mackye Gruber
Writer: Eric Bress, J. Mackye Gruber
Production: BenderSpink, FilmEngine, Katalyst Films, Province of British Columbia Production
Country: USA


Bata pa lamang si Evan Treborn (Ashton Kutcher) ay nakakaranas na siya ng sunod-sunod na black out kung saan hindi nito maalala ang mga ilang parte ng kaniyang araw. Dahil dito ay pinayuhan siya ng kaniyang duktor na magsulat ng isang diary. Sa kaniyang paglaki, isang kakayahan ang kaniyang nadiskubre, sa pamamagitan ng mga naturang diary ay kaya niyang bumalik sa nakaraan. Ito ang naging dahilan ng mga alaalang nawawala noong siya'y bata pa.

Ang kakayahang nito ay sinubukang gamitin ni Evan upang palitan ang naging buhay ng kaniyang mga kaibigang sina Lenny Kagan (Elden Henson) at Kayleigh Miller (Amy Smart). Ngunit sa tuwing bumabalik siya sa nakaraan ay lalong lumalala ang kinakalabasan hindi lang ng buhay ng kaniyang mga kaibigan kundi maging siya at ng kaniyang ina.

Ang pelikula ay nahati sa dalawang timeline, bago ang rebelasyon ng time travelling na iikot sa pagkabata ni Evan at pagkatapos kung saan ay nasa wastong gulang na ito. Nakaka-agaw ng interes ang ginawa nilang konsepto para sa pagbabalik sa nakaraan. Ngunit dahil din dito ay maraming katanungan ang nabuo. Katulad ng alin ang mas nauna, ang pag-time travel ni Evan sa nakaraan o ang black outs nito noong bata pa siya?

Gayunpaman ay bibigyan ko parin ng isang magandang papuri ang pelikula sa paggawa nila ng isang malikot at nakaka-agaw na interes ng storyline. Mahu-hook ka sa misteryong ipapakilala sa simula at mananatili ka dahil sa kakaibang kakayahan ng bida. Aabangan mo dito ang "butterfly effect" o ang mga pagbabago sa kasalukuyang buhay ni Evan tuwing may pinapalitan siya sa nakaraan. 

Napahanga ako ng buong cast sa kakayanan nilang magbigay ng iba't-ibang personalidad sa iisang karakter na kanilang ginagampanan. Lalo na kay Kutcher na huhulihin ang iyong simpatya sa bawat pasyang kaniyang ginagawa. Hindi naman gaanong nakaka-impress ang mga babaeng bida rito pagdating sa ibang aspeto ng pagbabago ng kanilang karakter bagaman sa pangkalahatan ay nakapagbigay naman sila ng maayos na performance.

Kung isasantabi mo ang mga nabuong katanungan sa iyong isipan at huwag nang pahirapan pa ang iyong utak sa mahirap na nitong storyline ay magugustuhan mo ang The Butterfly Effect lalo na't bawat tagpo ay mayroon itong nakahandang bago sa manonood.


No comments:

Post a Comment