Search a Movie

Friday, March 15, 2019

Mary, Marry Me (2018)

Poster courtesy of IMDb
© Solar Pictures
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Sam Milby
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: RC delos Reyes
Writer: Mika Garcia-Lagman, Juvy Galamiton
Production: Ten17P, TINCAN, Solar Pictures
Country: Philippines


Bata pa lamang sila nang maging ulila at mawalan ng mga magulang sina Mary Jane (Toni Gonzaga) at Mary Anne Lagman (Alex Gonzaga). Ang tanging pamilya na lang nila ay ang bawat isa ngunit nang hindi na makaya pang itaguyod ni Mary Jane, bilang panganay, silang dalawang magkapatid ay napilitan siyang ibigay ang kapatid sa kaniyang tiyahin na papuntang abroad.

Ilang taon ang lumipas at ang dalawa ay pareho nang dalaga, inuusig man ng konsensiya dahil hindi nito natupad ang pangako sa kapatid na kailanman ay hindi sila maghihiwalay, ay masaya pa ring sinalubong ni Mary Jane ang nagbabalik-bansang si Mary Anne. Ipinangako ni Mary Jane sa sarili na susuportahan nito ang kapatid sa kahit na anumang bagay kasama na dito ang pagpapakasal ni Mary Anne kay Pete (Sam Milby), ang dating nobyo ni Mary Jane.

Kung ako ang tatanungin, napakaganda ng materyal na ito upang gawing romantic drama. Subalit mas nag-focus sila sa comedy genre nito na siyang humila pababa sa pelikula. Wala naman sanang problema dito kung orihinal at nakakatuwa ang mga hirit ng bida ngunit puro copycat jokes lang naman ang mapapanood natin sa pelikulang ito. Napaka-trying hard ng american accent ni Alex. Hindi lang ang accent ang OA sa kaniya, maging ang kaniyang pagpapatawa. Pero wala nang tatalo pa kay Melai Cantiveros na maliban sa nakakainis niyang pagsisigaw-sigaw at pagwa-wacky face ay hindi ko mawari kung ano ang naitulong niya sa pelikula dahil hindi siya nakakatuwa at lalong hindi nakakatawa.

Wala ding chemistry sina Alex, Toni at Sam. Hindi ko ramdam ang kanilang love triangle, lalong hindi ko nadama ang connection nila Mary Jane at Pete dahil sa naging paraan ng storytelling ng palabas na imbis na gamitin ang kanilang past para sa character development ay out of the blue ay bigla na lang ni-reveal ang kanilang nakaraan. Nakaka-boring tuloy ang naging main plot nito.

Pero hindi naman lahat ay negatibo ang masasabi ko rito. Ang tanging nagustuhan ko lang dito sa Mary, Marry Me ay ang naging komprontasyon ni Mary Anne kina Mary Jane at Pete. Doon ko nakita ang galing nila Alex at Toni sa pag-arte. Sa eksenang iyon ko lang nagustuhan for the first time si Alex bilang Mary Anne. Subalit saglit lang ito dahil agad ding bumalik ang pelikula sa pagiging basura nito.

Overall ay bagsak pa rin para sa akin ang pelikula. Hindi gaanong lumabas ang naitatagong galing ng mga bida. Hindi rin nagamit ng maayos ang istorya. Pagdating sa pagiging comedy nito, ito na yata ang pinaka-pangit na comedy movie na napanood ko. Sobrang cringe ng mga sexual innuendos ng mga karakter. Mabuti na lang at maayos ang naging konklusyon nito.


No comments:

Post a Comment