Poster courtesy of IMDb © TSG Entertainment |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: James McAvoy, Daniel Radcliffe
Genre: Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 50 minutes
Director: Paul McGuigan
Writer: Max Landis, Mary Shelley (novel)
Production: Davis Entertainment, TSG Entertainment, Moving Picture Company, Twentieth Century Fox
Country: USA
Bago pa man siya makilala bilang si Igor Straussman (Daniel Radcliffe) ay isa lamang siyang simpleng kuba na ginawang alalay sa isang sirkus kung saan siya palaging nakatatanggap ng pangmamaltrato. Dahil sa interes nito sa human anatomy ay siya na rin ang nagsilbing duktor sa naturang sirkus. Kaya naman nang isang araw ay ma-aksidente ang minamahal nito sa kalagitnaan ng palabas ay mabilis na nailigtas ni Igor ang buhay ng dalaga.
Isa sa mga nakakita sa ginawa ni Igor ay ang medical student na si Victor Frankenstein (James McAvoy). Siya lang tanging kumilala sa angking kakayahan ni Igor kaya naman sinubukan nitong itakas ang binata mula sa pagiging alipin nito, pinalitan ng anyo at binigyan ng ibang pagkatao. Simula noon ay naging magkaibigan at magkatulong na ang dalawa sa eksperimentong pinamamahalaan ni Victor, ito ay pagbabalik ng buhay sa isang nilalang na namayapa na.
Isa lang ang palabas na ito sa napakaraming bersyon ng nobelang isinulat ni Mary Shelley. Ang mga pangyayari sa pelikula ay magmumula sa pananaw ni Igor, wala masyadong bago at kakaiba maliban sa cast at sa atake. Kaya naman ang tanging mabibigyan ko lang ng kritiko sa naturang palabas ay ang mga bumida at ang produksyon nito.
Nasa point of view man ni Igor ang Victor Frankenstein ay si Victor pa rin ang bumida dito, hindi dahil siya ang title role kundi dahil sa gumanap ditong si McAvoy. Isinakatawan nito ang isang matalino, pursigido at may kaunting kahibangang estudyante ng medisina. Magaling na aktor si Radcliffe subalit natabunan siya ng galing ni McAvoy sa pelikulang ito. Katulad ni Igor ay gugustuhin mo rin siyang alagaan at iligtas mula sa kaniyang kalokohan.
Pagdating naman sa production value, maganda ang overall tone ng pelikula. Dark at may kaunting pagka-gory. Hindi gaanong convincing ang CGI effects nito lalo na sa mga halimaw ng pelikula pero iyon lang ang naging issue ko dito. Ayos sa akin ang props, set at maging ang costume.
Maayos ang production, magaling ang cast pero walang bago sa kuwento ng Victor Frankenstein. Maganda parin naman itong panoorin upang ma-refresh sa ating utak ang sikat na kuwento ni Victor Frankenstein subalit mayroong ibang materyal pa na maganda at mas recommended para sa ganitong tipo ng klaseng palabas.

No comments:
Post a Comment