Poster courtesy of IMP Awards © Millennium Films |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Gerard Butler, Aaron Eckhart, Morgan Freeman
Genre: Action
Runtime: 1 hour, 59 minutes
Director: Antoine Fuqua
Writer: Creighton Rothenberger, Katrin Benedikt
Production: Millennium Films, FortyFour Studios, G-BASE, West Coast Film Partners
Country: USA
Malapit na magkaibigan ang presidente ng Amerika na si Benjamin Asher (Aaron Eckhart) at ang secret service agent at lider ng US Presidential detail na si Mike Banning (Gerard Butler). Ngunit matapos ang isang malagim na trahedyang kinasangkutan ng presidente at ang unang ginang ay si Banning na mismo ang bumaba mula sa kaniyang puwesto nang sa tingin nito ay hindi nito nagawa ng maayos ang kaniyang trabaho.
Labing-walong buwan ang lumipas ay sa Treasury headquarters na nagta-trabaho si Banning. Sa panahong iyon ay nakatakdang makipagpulong si Asher kay South Korean Prime Minister Lee Tae-Woo (Keong Sim), ang hindi nila alam ay kasabay nito ang plano ng isang North Korean terrorist organization na atakihin ang White House. Dito na susubukang bawiin ni Banning ang kaniyang sarili at sisikaping iligtas ang presidente ng Amerika sa kamay ng mga terorista.
Thrill ang unang maibibigay ng pelikula sa manonood dahil sa dala nitong aksyon. Ilalabas nito ang natatagong adrenaline rush na nakatago sa iyong katawan dahil sa mala-superhero na galing ng bida nitong si Banning. Wala nang bago sa bida dito na matalino, magaling sa labanan, matapang at may mabuting puso - ang perpektong ehemplo ng isang action hero na katulad ng ilan pang napakaraming action movies.
Ang ikinaganda ng Olympus Has Fallen ay ang pagiging underdog ng bida sa simula na unti-unting aakyat sa rurok ng tagumpay. Ang pagiging solo nito ang magpapabilib sa iyo at magpapakaba sa parehong pagkakataon. Isa pang nagustuhan ko sa pelikula ay sa iisang lugar lang naganap ang bawat tagpo na may pagka-survival ang tema.
Ang hindi ko naman nagustuhan dito, kung saan ako napataas ng kilay, ay kung gaano kadaling nagupo ng mga terorista ang White House, ang isa dapat sa mga pinaka-importanteng lugar sa Amerika na sinabayan pa ng matagal na pag-responde ng mga awtoridad. Maganda itong parte para sa bida pero hindi para sa totoong buhay.
Gayunpaman isang magandang action flick ang ibibigay sa iyo ng Olympus Has Fallen. Nagampanan naman ng maayos ng mga bida ang kani-kanilang karakter. Mararamdaman mo ang tensyon na para bang isa ka sa mga karakter ng kuwento. Walang bago pero makapagbibigay pa rin naman ng pure entertainment. Walang gaanong character development pero magkakaroon ka pa rin ng emotional investment sa kanila.
No comments:
Post a Comment