Poster courtesy of Click the City © TBA Studios |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Nafa Hilario-Cruz, Len Len Frial, William Buenavente, Claude Mikael Adrales
Genre: Drama, Sports
Runtime: 1 hour, 40 minutes
Director: Mihk Vergara
Writer: Zig Marasigan
Production: TBA Studios
Country: Philippines
Patintero ang isang laro sa Barangay San Jose na pinaka-sineseryoso ng mga kabataan. Lalo na pagdating kay Meng Francicsco (Nafa Hilario-Cruz) o mas kilala bilang Meng Patalo, ang batang kailanman ay hindi pa nasusubukang manalo sa patintero. Kaya naman nang dumating ang pinakahihintay niyang Sportsfest ay bubuo si Meng ng grupo ng mga talunan upang lumaban sa laro ng patintero. Kasama ang kaibigan nitong si Nicay, ang over-achiever niyang best friend; si Shifty, ang mabait ngunit weirdong bagong salta; at ang misteryosong si Z-Boy, ang tagapagtanggol ng mga inaapi ay susubukan nilang baguhin ang "patalo" na tawag sa kanila ng buong barangay.
Hanga ako sa kung papaanong ang simpleng laro ng patintero ay nagawa nila Zig Marasigan at Mihk Vergara na bida sa isang full-length film. Naipadama nila sa manonood ang pagiging action-packed ng laro na tanging ang mga batang naglalaro nito lang ang nakakadama sa pamamagitin ng medyo exaggerated na representasyon.
Nakuha ng pelikula ang aking interes dahil sa pagkakaroon nito ng simpleng mga bida, simple dahil umiikot lang ang kuwento sa kanilang inosenteng pananaw sa buhay. Magaan sa loob panoorin ang mga batang bida, subalit halos naging one-dimensional lang sila sa buong palabas. Marami pang kailangang ayusin sa paraan ng pag-arte ng mga bata ngunit hindi naman ito masama, kumbaga average lang sila pero hindi naman ito naging problema sa palabas.
Isang magandang adventure ang ibabahagi ng Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo, sasamahan nila tayo sa pagbabalik-tanaw mula sa ating pagkabata.
No comments:
Post a Comment