Search a Movie

Friday, July 19, 2019

Don Jon (2013)

Poster courtesy of IMP Awards
© Voltage Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Joseph Gordon-Levitt, Scarlett Johansson, Julianne Moore
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 30 minutes

Director: Joseph Gordon-Levitt
Writer: Joseph Gordon-Levitt
Production: Voltage Pictures, hitRECord, HitRecord Films
Country: USA


Ang Don Jon ay isang simpleng romantic-comedy movie na sinangkapan ng taboo na tema kung saan ang bida nitong Jon Martello Jr. (Joseph Gordon-Levitt) ay mas pabor sa pagsasariling-sikap habang nanonood ng pornograpiya kaysa sa pakikipagtalik. Weird, pero kung tutuusin ay maaaring nangyayari sa totoong buhay.

Perpekto naman kung tutuusin ang buhay ni Jon. Makisig, mayaman, may mga kaibigan at maayos na pamilya. Ang problema nga lang ay ang pagiging adik nito sa porn na siyang pilit nitong inalis nang makilala niya si Barbara Sugarman (Scarlett Johansson), ang tanging babae na nakapag-patibok ng kaniyang puso.

Maganda si Barbara, madaling makapang-akit ng mga kalalakihan dahil sa taglay nitong hubog ng katawan. Subalit hindi tulad ng karaniwang babae na nakakasalamuha ni Jon, mas pipiliin ni Barbara na kilalanin muna ang lalaki bago nito isuko ang kaniyang katawan. Ito naman ang ginawa ni Jon, nagtagal ang dalawang bilang magkasintahan hanggang sa dumating sa buhay ni Jon si si Esther (Julianne Moore) isang biyudang may edad na na tanggap ang binata sa kabila ng itinatago nitong sikreto.

Sa magkaibang ugali ni Barbara at Esther mapagtatanto ni Jon kung alin ang tunay na pag-ibig sa hindi.

Kung iisiping mabuti, kapag inalis natin ang kakaibang adiksyon ng bida, ay lalabas lamang na isang tipikal na kuwentong pag-ibig ang Don Jon. Kaya maganda ang isinahog nila sa kuwento upang magkaroon ito ng edge sa mga pelikulang may kapareho ng genre.

Humanga ako kay Gordon-Levitt hindi bilang aktor kundi bilang isang writer at direktor. Madali lang akong na-hook sa naging kuwento ng bida dahil kakaiba ito. Mas lalo akong naganahan sa palabas sa pagpasok ng karakter ni Johansson. Isang mistulang perpektong magkasintahan, nakakakilig at nakaka-akit. Hanggang sa dumating si Moore na mas lalo pang nagbigay ng ibang kulay sa takbo ng kuwento.

Unti-unting lilipat ang simpatya mo sa bawat bagong karakter na ipapakilala kaya kahit hindi ganoon kalalim ang kuwento ay madadala ka sa bawat mangyayari. Maganda rin ang naging konklusyon nito dahil bawat karakter ay nagkaroon ng magandang karakter development sa buong pelikula. 

Nagamit ni Gordon-Levitt at Johansson ang kanilang katawan ng maayos para sa kanilang role, pero wala gaanong nakakamangha sa kanilang ipinakitang pag-arte dahil wala naman sila gaanong mabibigat na eksena. Taliwas sa karakter ni Moore na na-highlight talaga ang kaniyang galing sa pag-arte.


No comments:

Post a Comment