Poster courtesy of IMDb © Globe Studios |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Eddie Garcia, Gina Pareño
Genre: Drama, Fantasy
Runtime: 1 hour, 30 minutes
Director: Dan Villegas
Writer: Juan Miguel Severo
Production: Globe Studios, Project 8 Corner
Country: Philippines
Overdue na kung maituturing ang pananatili ni Lisang (Gina Pareño) sa purgatoryo, isang airport cum hotel kung saan nananatili ang mga pumanaw na habang ipino-proseso ang kanilang kaso bago umakyat sa langit. Ilang taon na sa lugar na ito si Lisang dahil sa makailang delay sa kaniyang kaso. Dahil dito ay kilala na ang matanda sa pagiging pasaway, masungit at pangunahing sanhi ng mga gulo.
Sa araw kung kailan naaprubahan na ang kaso ni Lisang ay kasabay naman nito ang pagdating ng bagong tenant na titira sa iiwan nitong kuwarto, si Manolo (Eddie Garcia) ang kaniyang ex-boyfriend. Sa kanilang mga nalalabing oras sa purgatoryo ay susulitin nila Lisang at Manolo ang kanilang pagkakataong magsama, ang pagkakataon na hindi nila nagawa nang sila'y nabubuhay pa.
Sa panahon ngayon na halos paulit-ulit na ang mga kuwento hindi lang sa telebisyon kundi maging sa big screen ay masaya akong makakita ng mga ganitong tipo ng pelikula na mayroong kakaiba, bago at puno ng imahinasyong konsepto. Napakalawak ng imahinasyon ni Juan Miguel Severo upang mabigyan ng larawan ang purgatoryo na ikaka-relate ng mga tao.
Bagamat mga beterano na ang bida, napaka-millennial ng feel ng palabas dahil sa mga ultimate hugot lines ng mga karakter at ang kuwento nitong umiikot sa pagkakaroon ng TOTGA o The One That Got Away. Siguradong ikaka-relate ito ng marami lalo na sa mga taong pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
Hit or miss ang naging dialogue ng pelikula. Minsan tagos sa puso pero mayroon ding mga pagkakataon na parang nagdudula-dulaan sila. Medyo pilit kasi minsan ang pagpapaka-millennial ng mga linya na hindi bumabagay sa bumibigkas nito. Gayunpaman ay nadala ako kay Lisang dahil sa galing ni Pareño sa mga heavy scenes nito. Sa kaniya nanggaling ang mga mabibigat na linya at dito lumabas ang galing niya sa larangan ng pag-arte.
No comments:
Post a Comment