Poster courtesy of IMP Awards © TSG Entertainment |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Louis Ashbourne Serkis, Dean Chaumoo, Tom Taylor, Rhianna Dorris
Genre: Action, Adventure, Family, Fantasy
Runtime: 2 hours
Director: Joe Cornish
Writer: Joe Cornish
Production: Big Talk Productions, TSG Entertainment, Working Title Films
Country: United Kingdom, USA
Paboritong paglaruan ng mga bully, isang tipikal na estudyante lamang ang tingin ni Alexander Elliot (Louis Ashbourne Serkis) sa kaniyang sarili. Ngunit nang matuklasan nito ang isang misteryosong espada sa isang bakanteng lote, ang simpleng buhay nito ay mababago matapos mapag-alamang siya na ang hahalili sa iniwang trono ni King Arthur.
Nang mapasakamay ni Alex ang Excalibur ay naging target na siya ng kampon ni Morgana (Rebecca Ferguson), isang sorsera na ang layunin ay pamunuan ang sanlibutan. Sa tulong ng isang salamangkero at ng ilang kaibigan ay tatahakin ni Alex ang Tintagel upang hanapin ang kaniyang ama, ang tanging tao na sa tingin nito'y makakatulong sa kanilang problema.
Ang unang napansin ko sa pelikula ay masyadong cheesy ang mga linyahan nito para sa aking panlasa. Mukhang ang target talaga nito ay para sa mga bata. Ang ikinalito ko lang, bagamat maganda ang visual effects ay medyo nakakatakot ang labas ng mga kalaban para sa batang manonood.
Boring ang storyline, kinulang sa aksyon ganun din ang magic element ng palabas. Parang simpleng pakikipagsapalaran lang ang nangyari. Ni walang kakaibang naganap sa Excalibur na isang simpleng espada lang ang labas. Wala man lang labanan sa pagitan ng bida at kontrabida na nangyari. Nakakalito rin ang naging patakaran sa pagpili ng kung sino ang tatayong hari. Kung wala sa dugo, bakit bata ang piniling mamuno laban sa isang kalabang ilang daan na ang edad?
Ayaw magpaka-cliché pero nagmukhang bobo ang istorya. Sanlibutan ang nakasalalay pero puro bata ang ginawang hukbo laban sa mga kampon ng kadiliman. Namukha lang tuloy na parang school play ang climax. Ang nakakatawa ay sineryoso ko ang pelikula sa kabila ng kaalamang isa itong pambata. Sa kabilang banda, ang tanging nagustuhan ko lang dito ay ang hand movements ni Merlin (Angus Imrie) bago gumawa ng magic.
No comments:
Post a Comment