Poster courtesy of IMP Awards © RatPac Entertainment |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Cate Blanchett, Robert Redford
Genre: Biography, Drama, History
Runtime: 2 hours, 5 minutes
Director: James Vanderbilt
Writer: James Vanderbilt, Mary Mapes (memoir)
Production: Sony Pictures Classics, Echo Lake Entertainment, RatPac Entertainment
Country: USA
Ang Truth ay hango sa tunay na pangyayari tungkol sa kontrobersya ng dokumentaryong ipinalabas ng CBS News dahilan upang matanggal sa trabaho ang news anchor na si Dan Rather (Robert Redford). Base ang pelikula sa ginawang memoir ni Mary Mapes (Cate Blanchett), ang prodyuser ng naturang dokyumentaryo. Tungkol ito sa 'di umano ay pagpepeke ni US President George W. Bush sa kaniyang naging serbisyo sa Texas Air National Guard.
Pinatotohanan ito ni Mapes sa pamamagitan ng ilang dokumento na nagpapatunay sa kaniyang akusasyon. Ngunit matapos ipalabas ang ginawang dokumentaryo ay ilang manonood ang nakapuna sa pagiging peke ng mga sulat na ipinakita. Ayon sa kanila, ang inilabas nilang ebidensya ay maaaring ginawa lamang sa Microsoft Word.
Dito na magsimulang bumagsak at magulo hindi lang ang trabaho kundi maging ang buhay ni Mapes at ng kaniyang team na bumuo sa mapinsalang dokumentaryo.
May dalawang isyu ako tungkol sa pelikula: una, hindi ako pamilyar sa mga taong nasa likod ng kontrobersya kaya naman nahirapan akong sundan kung sino ang sino. Pangalawa, medyo one sided ang naging kuwento nito kaya sa buong pelikula ay nagbigay ako ng benefit of the doubt lalo na't alam nating palaging may dalawang mukha ang bawat kuwento.
Gayunpaman ay nakakamanghang panoorin kung papaano ang nagiging proseso sa paggawa ng dokumentaryo sa likod ng kamera. Dito ko rin napagtanto kung papaanong ang simpleng pagkakamali ng mga propesyunal ay maaaring makasira sa katotohanan. Makikita rin dito kung gaano kadaling umiwas sa totoong isyu at palakihin ang mga simpleng bagay upang madistract ang madla sa totoong topic.
May magandang kuwento ang Truth, intense kahit na medyo one-sided. Napaka-convincing ni Blanchett sa kaniyang role. Naipakita nito ang pagiging palaban at matapang ng bida sa kabila ng ilan nitong kahinaan. Malakas ang loob ng buong production team na isabuhay ang isang sensitibong paksa at sa tingin ko ay naipakita namn nila ng maayos ang gusto nilang iparating.
No comments:
Post a Comment