Search a Movie

Monday, June 3, 2019

Miss Granny (2014)

Poster courtesy of HanCinema
© CJ Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Shim Eun-kyung, Na Moon-hee
Genre: Comedy, Fantasy, Music
Runtime: 2 hours, 4 minutes

Director: Hwang Dong-hyuk
Writer: Shin Dong-ik, Hong Yun-jeong, Dong Hee-seon
Production: Yeinplus Entertainment, CJ Entertainment
Country: South Korea


Pranka, diktador at may pagka-pakialamera ang 74-year old na si Oh Mal-soon (Na Moon-hee) at dahil sa ugali niyang ito kung bakit niya napagtanto na tila ba nagiging pabigat na siya sa pamilya ng kaniyang anak. Mabigat man sa pakiramdam ay mag-isang pinaghandaan ni Mal-soon ang kaniyang kamatayan. Nagtungo siya sa isang studio upang magpakuha ng sana'y funeral photo.

Sa isang misteryosong pagkakataon, sa pagtuntong ni Mal-soon sa labas ng naturang studio ay nanumbalik siya sa kaniyang pagkabata. Mula sa edad na 74 ay bumalik siya sa pagiging 20 years old. Nagtago siya sa pangalang Oh Doo-ri (Shim Eun-kyung) at sinubukang habulin ang pangarap ng kaniyang pagkabata na noo'y hindi niya nagawang kamtin.

Sinimulan ni Na Moon-hee ang pelikula sa isang kahanga-hangang pag-arte. Naipadama niya sa mga manonood ang mga kinakaharap ng mga may edad na. Ang buhay na kanilang tinatamasa sa kanilang mga huling taon. Ngunit agad nabago ang feels ng pelikula nang palitan siya ni Shim Eun-kyung, underwhelming ang kaniyang labas. Nahirapan siyang i-embody ang karakter ni Mal-soon at medyo exaggerated ang naging dating nito.

Maganda ang naging kuwento ng Miss Granny. Naipakita nito ang pagpapahalaga na dapat nating gawin sa ating mga lolo't lola. Nakaka-antig rin ang ikalawang pagkakataon na ibinigay kay Mal-soon lalo na't ipinasilip sa atin ang naging buhay nito bilang isang solong magulang. May mga ilang loopholes lang ang istorya nito na hindi na binigyan pansin ng direktor tulad ng hitsura ni Mal-soon sa kaniyang pagkabata at iba pa. Pero hindi naman ito gaanong big deal dahil maganda ang pagkakasulat sa lahat ng mga karakter.

Nakaka-aliw panoorin ang Miss Granny dahil sa mahiwaga nitong kuwento at magandang musika. Bagamat hindi gaanong magaling sa pag-arte ang bida nitong si Eun-kyung ay si Moon-hee naman ang umangat sa lahat. 


No comments:

Post a Comment