Poster courtesy of IMDb © Jupiter Films |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Do Kyung-soo, Kim So-hyun, Lee David, Joo Da-young, Yeon Joon-seok
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Lee Eun-hee
Writer: Han Chang-hoon, Lee Eun-hee
Production: Jupiter Films, Little Big Pictures
Country: South Korea
Isang misteryosong sulat ang dumating para sa radio DJ na si Yong-chul (Lee Beom-soo) habang nasa gitna ito ng kaniyang broadcast. Ang naturang sulat ay naglalaman ng isang diary mula sa kanilang pagkabata na pagmamay-ari ng kababata nitong si Soo-ok (Kim So-hyun).
Nang basahin nito ang laman ng diary sa kaniyang tagapakinig ay unti-unting nanumbalik ang isang hindi malilimutang pagsasama noong 1991. Dalawampu't tatlong taon na ang lumilipas ay muling nagsama-sama ang magkakaibigang sina Soo-ok, Beom-sil (Do Kyung-soo), Gae-duk (Lee David), Gil-ja (Joo Da-young) at San-dol (Yeon Joon-seok) sa kanilang bakasyon. Ang bakasyon kung saan nabuo ang pag-ibig sa pagitan nia Soo-ok at Beom-sil na sisirain ng isang huwad na pangako at imposibleng pangarap.
Plain at medyo boring ang panimula ng pelikula dahil nagsisimula pa lamang ipakilala ang bawat karakter. Gayunpaman ay underdeveloped pa rin ang kinalabasan ng mga supporting characters dahil mas nag-pokus sila sa dalawang bida nitong sina Soo-ok at Beom-sil. Pagdating sa kalagitnaan kung saan ay nasa sistema mo na ang bawat isa ay dito mo na sisimulang maramdaman ang kuwento na ikaka-relate ng mga manonood at mapapaisip rin sa kanilang sariling mga kababata at mga alaala sa pagkabata.
Sa last half ng pelikula, kung aware ka sa mga detalyeng gustong ipahiwatig ng palabas ay mapagtatanto mo na kung papaano ito matatapos kaya naman hindi na gaanong kagulat-gulat para sa akin ang twist nito. Bumawi sila sa pagiging magaling ng bawat bida, dadalhin ka ng buong cast sa kanilang pagdadalamhati. Kung paanong naging plain at simple ang simula ay magtatapos naman ang Unforgettable sa isang heavy drama na iiwan kang nangangailangan ng tissue.
Bawat artista ay nakapagbigay ng nakakapangilabot na pag-arte dahilan upang magustuhan ko ang pelikula. Pero hindi lang doon nagtatapos ang mga maganda sa palabas dahil maganda rin ang naging istorya nito, kukurot ito sa iyong puso at tunay na mapapamahal ka sa kuwento nito.

No comments:
Post a Comment