Search a Movie

Saturday, May 11, 2019

The Cider House Rules (1999)

Poster courtesy of IMP Awards
© Miramax
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Tobey Maguire, Michael Caine, Charlize Theron
Genre: Drama, Romance
Runtime: 2 hours, 6 minutes

Director: Lasse Hallström
Writer: John Irving
Production: FilmColony, Miramax, Nina Saxon Film Design
Country: USA


Ulilang lubos ay sa isang bahay-ampunan na lumaki si Homer Wells (Tobey Maguire) na dalawang beses ibinalik ng mga umampon sa kaniya dahil sa pagiging kakaiba nito. Sa kaniyang paglaki ay unti-unti nitong natutunan ang panggagamot sa pamamagitan ng pagiging kanang kamay ni Dr. Wilbur Larch (Michael Caine), ang namamahala sa ampunan.

Hanggang sa dumating ang araw nang makilala nito ang magkasintahang sina Candy Kendall (Charlize Theron) at Lt. Wally Worthington (Paul Rudd) na dumayo pa sa ampunan upang sumailalim sa aborsyon. Sa pagdating ng dalawa ay nakakita si Homer ng pagkakataon upang makalabas mula sa lugar na kaniyang kinalakihan at makipagsapalaran sa tunay na mundo.

Bilang isang pro-life, medyo napataas-kilay ako sa tema ng aborsyon sa pelikula, subalit hindi naman ito naka-apekto sa naging opinyon ko ukol sa The Cider House Rules. Sa totoo lang ay maganda ang kuwento nito, makatotohanan at maaaring mangyari sa totoong buhay.

Magagaling din ang cast lalo na kay Maguire at Caine. Dama ko ang bawat ipinaglalaban ng parehong karakter at sa totoo lang ay hindi ko alam kung kanino ako kakampi dahil parehong may punto ang kanilang gusto. Ito siguro ang naging dahilan kung bakit tila nakaramdam ako ng kakulangan sa pelikula, para bang hindi buo ang pakiramdam. Hindi rin ako na-satisfy sa naging konklusyon nito. Gusto kong matuto si Homer sa kaniyang mga pagkakamali at pagkukulang pero hindi ito nagawa ng pelikula.

Mayroong nakaka-antig na kuwento The Cider House Rules. Pinagbibidahan ito ng mga magagaling na aktor. Malakas din ang naging chemistry nila Maguire at Theron ngunit sa pangkalahatan ay hindi masyadong pumasa ang pelikula para sa aking panlasa. Hindi ito tumama sa inaasahan kong pagtatapos kaya naman parang malaki ang pagkukulang.


No comments:

Post a Comment