Search a Movie

Thursday, May 23, 2019

Mystified (2019)

Poster courtesy of Inquirer
© iflix Originals
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri
Genre: Action, Fantasy
Runtime: 1 hour, 26 minutes

Director: Mark A. Reyes
Writer: Mark A. Reyes
Production: Sanggre Productions, iflix Originals
Country: Philippines


Apat na sorsera, Adela (Iza Calzado), Althea (Sunshine Dizon), Helena (Karylle), Kathalina (Diana Zubiri), ang muling nagsama-sama upang harapin ang pagbabalik ni Hellga (Sunshine Cruz), ang isa sa pinakamakapangyarihang mangkukulam na nais puksain ang sangkatauhan. Ngunit bago sila sumalang sa gyera ay kinakailangan muna nilang ayusin ang mga problema nila sa isa't-isa na siyang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.

Maganda ang visual effects ng Mystified, ang set, maging ang costume ay napaka-magical ng dating. Visually ang nagustuhan ko ang naging production nito. Sa kasamaang palad ay ito lang ang maganda sa pelikula at yung iba ay puro kabiguan na.

Una kong pupunain ang kuwento nito, napaka-cliché to the point na wala nang thrill ang bawat tagpo. Mayroon itong tipikal na kontrabida na walang pinanghuhugutan at mga bida na ang tanging role ay iligtas ang mundo. Sinubukan naman nilang bigyan ng ibang kulay ang kuwento pero naging makalat lang ito. Tila ba rushed ang bawat subplots at walang gaanong koneksyon sa main story. Underdeveloped din ang karakter nila Karylle at Zubiri na nagmistulang display para lang magkaroon ng magandang marketing. Para bang hindi alam ng writer kung paano niya dadalhin ang kuwento sa kabila ng pagiging simple nito.

Dahil siguro sa hindi kagandahang istorya kung kayat nadamay na rin ang pag-arte ng mga artista. Ang mga dapat ay award-winning na bida dito ay average at ang iba ay below average pa ang ipinakitang pag-arte. Sa mga heavy scenes ay maganda naman ang ipinamalas nila Calzado at Dizon pero most of the time ay para silang nagdudula-dulaan lalo na sina Karylle, Zubiri at ilang pang supporting characters. Muntik ko na palang makalimutan, hindi rin convincing si Cruz sa kaniyang role. Parang hindi siya marunong mag-kontrabida, dahil siguro sa corny nitong dialogue. Lumabas tuloy ang pagiging trying hard nito na maging masama.

Trying hard, ito siguro ang masasabi ko sa pelikula. Hindi bagay ang Taglish na linyahan ng mga karakter. Gusto nilang magpaka-cool pero iba ang kinalabasan. Napaisip tuloy ako kung isa ba itong parody. Out of place ang mga jokes, mediocre din ang action sequences. Napaghahalata ang mga edad ng mga bida dahil hindi marunong sumipa. Nagpapaka-millenial pero sa totoo lang, malayo ang pelikula sa gusto nilang i-portray.


No comments:

Post a Comment