Search a Movie

Monday, May 6, 2019

Escape Room (2019)

Poster courtesy of IMP Awards
© Columbia Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Taylor Russell, Logan Miller, Deborah Ann Woll, Tyler Labine, Jay Ellis, Nik Dodani
Genre: Thriller, Mystery
Runtime: 1 hour, 39 minutes

Director: Adam Robitel
Writer: Bragi Schut, Maria Melnik
Production: Columbia Pictures, Original Film
Country: USA


Anim na estranghero ang kumasa sa isang laro na susubok sa talino ng isang tao. Si Zoey Davis (Taylor Russell) na isang physics student, ang stockboy na si Ben Miller (Logan Miller) kasama ang truck driver na si Mike Nolan (Tyler Labine). Ilan din sa mga nakatanggap ng imbitasyon ay ang war veteran na si Amanda Harper (Deborah Ann Woll), day trader na si Jason Walker (Jay Ellis) at si Danny Khan (Nik Dodani) na isang escape room enthusiast.

Lahat sila ay sumali sa isang Escape Room challenge para sa tiyansang manalo ng 10,000 dollars kapag sila ay nakatas sa isang silid na puno ng mga clues. Ang lahat ng ito ay magbabago nang mapagtanto nilang ang naturang escape room ay hindi isang simpleng laro lamang dahil buhay ng bawat isa ang nakasalalay sa bawat kuwartong kanilang kahaharapin.

Saw (2004), Cube (1997) at may kaunting pagka-Final Destination (2000) ang Escape Room, at kung mahilig ka sa ganitong tipo ng palabas ay nababagay sa iyo ang pelikulang ito. Sa totoo lang ay wala ka nang aasahan sa kung papaano maaaring umikot ang kuwento ng pelikula dahil sa iisang direksyon lang naman papatungo ang mga ganitong klaseng survival film. Ang aabangan mo na lang ay kung sino ang makakaligtas, at papaano babawian ng buhay ang mga karakter na nakatakdang mamatay.

Bukod doon ay kaabang-abang din ang bawat escape rooms, nakaka-aliw panoorin ang mga bidang naghahanap ng mga clue upang makaligtas. Ang naging issue ko lang dito ay masyadong mahirap at tricky ang bawat pagsubok, mahirap sundan dahilan upang mawalan ng connection ang manonood sa mga challenges.

Hindi boring pero kaunti lang ang character development, magi-invest ka lang sa iilang karakter at ang iba ay wala ka nang pakialam kung papaano sila mawawala. Exciting ang bawat eksena, thrilling at nakakagulat ang bawat twist. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang pagiging parte ng game master sa laro. Medyo off dahil ito ang naging hudyat na ang laro maaaring dayain ng nasa likod nito at dahil doon ay mahirap nang magtiwala sa kanila na siyang nakakabawas sa excitement ng laro.


No comments:

Post a Comment