Search a Movie

Monday, May 13, 2019

Ratatouille (2007)

Poster courtesy of IMP Awards
© Walt Disney Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Patton Oswalt, Lou Romano
Genre: Animation, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 51 minutes

Director: Brad Bird
Writer: Brad Bird, Jan Pinkava (story), Jim Capobianco (story)
Production: Walt Disney Pictures, Pixar Animation Studios
Country: USA


Isang daga ang bida ng pelikula, si Remy (Patton Oswalt) na biniyayaan ng galing sa pang-amoy at panlasa. Ang pangarap nito ay maging isang magaling na chef katulad ng kaniyang idolong si Auguste Gusteau (Brad Garrett). Dahil sa hindi inaasahang aksidente ay mawawalay si Remy mula sa kaniyang pamilya at mapapadpad siya sa kusina ng kaniyang idolo na si Auguste.

Doon niya makikilala si Alfredo Linguini (Alfredo Linguini) na isang hamak na garbage boy. Tutulungan ni Remy si Linguini bilang maging isang cook at mula sa kaniyang talento ay unti-unting makakamit ni Remy ang kaniyang pangarap sa pamamagitan ni Linguini.

Bilang isang tao na nagta-trabaho sa kusina ay hati ang naging pananaw ko sa isang dagang nagluluto ng pagkain. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang pagiging unsanitary nito at unhygienic. Alam kong isa lamang itong fantasy ngunit sa realidad ng pelikula kung saan ang panglakad ng bida ay siya ring pangluto nito ay napapa-yuck pa rin ako kahit gaano pa kaganda ang mga pagkaing naihahain.

Gayunpaman, maganda ang naging kuwento ng Ratatouille. Nakaka-inspire lalo na kung pagluluto rin ang nais mo sa buhay. Maganda ang naging ikot ng istorya nito, nakaka-agaw ng interes. Madaling mahalin ang bawat karakter at gayun din na maiinis ka sa mga kontrabida. Maayos at makulay ang animation nito at tiyak na gugutumin ka ng palabas.

Ang naging isyu ko lang dito ay masyadong exaggerated ang pagiging clumsiness ng bida na tipikal naman sa isang animated movie subalit medyo nakaka-irita lang na panoorin. At sa tingin ko ay masyadong SPG ang kissing scene na ipinakita dito para sa mga batang manonood.


No comments:

Post a Comment