Poster courtesy of IMP Awards © Netflix |
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆
Starring: Nat Wolff, Lakeith Stanfield, Margaret Qualley
Genre: Crime, Drama, Fantasy, Thriller
Runtime: 1 hour, 41 minutes
Director: Adam Wingard
Writer: Charles Parlapanides, Vlas Parlapanides, Jeremy Slater, Tsugumi Ohba (manga), Takeshi Obata (manga)
Production: Netflix, Vertigo Entertainment, Lin Pictures
Country: USA
Mula sa kalangitan, isang pambihirang kuwaderno ang babagsak sa mga kamay ni Light Turner (Nat Wolff). Pagmamay-ari ito ng isang Shinigami, isang diyos ng kamatayan, na si Ryuk (Willem Dafoe). Ang misteryosong bagay na ito ay kayang kumitil ng buhay sa pamamagitan ng pagsulat ng pangalan ng tao sa loob ng kuwaderno.
Ito ang kakasangkapin ni Light upang ibigay ang hustisya sa mga taong pinagkaitan nito. Gagamitin niya ang death note upang wakasan ang buhay ng mga kriminal na malayang namumuhay matapos ang mga kasalanan kanilang ginawa. Dahil din sa death note ay makikilala ni Light si Mia Sutton (Margaret Qualley), ang dalagang magiging kaagapay ni Light upang linisin ang mundo mula sa mga masasamang tao.
Ang hindi pangkaraniwang pangyayari na ito ang kukuha naman sa atensyon ng tanyag na detective na si L (Lakeith Stanfield). Sisimulang imbistigahan ni L ang mga biglaang pagkamatay ng mga wanted na kriminal na 'di umano'y kagagawan ng isang nagngangalang Kira.
Trailer pa lang ay alam ko nang madidismaya ako sa pelikulang ito. Bilang isang fan ng anime at Japanese live action nito ay malaki ang paghanga ko sa original source material. Kaya naman halos isumpa ko ang Death Note ng Netflix matapos nila itong paglaruan at sirain.
Marami ang humanga sa live version ni Ryuk pero para sa akin ay hindi ko ito nagustuhan, parehong ang karakter nito maging ang hitsura. Maganda naman ang CGI ni Ryuk pero hindi ko natipuhan ang visual appearance niya. Masyado siyang ginawang nakakatakot, hindi pleasing sa mata at mahirap mahalin. Sa kabilang banda naman, ay maayos ang naging pagganap ni Wolff bilang Light. Kita sa aura nito ang pagiging mapanganib at ang pagkagusto nito sa pagpatay ng mga tao.
Pero ang pinaka-nakakadismaya na siguro sa lahat ay ang bersyon nila ni L. Wala akong paki-alam kung ginawa nila itong African-American, ang hindi ko nagustuhan ay ginawa siyang entitled brat, makalat, mayabang at exaggerated. Siya dapat ang isa sa mga karakter na madaling magustuhan ngunit sa pelikulang ito ay nagmistula siyang wirdong binata na swapang at masarap kamuhian.
Kung isisiwalat ko lahat ng mga hindi kagandahang nangyari sa palabas ay aabutin tayo ng ilang pahina kaya susubukan ko na lang itong ibuod. Nakuha nila ang konsepto ng Death Note pero nasira ang kuwento nito nang pinilit nilang ipasok ang romance sa pagitan ni Light at Mia na hindi naman kinakailangan. Nakakapanghinayang lang na hindi naipakita ng pelikula ang pagiging matalino ni Light, gayundin si L na tila ba magic ang naging deduction skills dahil bigla-bigla na lang niyang nalalaman ang sagot sa mga katanungan na hindi man lang ipinakita kung paano niya nakuha ang solusyon. Sinayang nila ang maganda sanang labanan ng dalawa sa katalinuhan, bagkus ay ginawa nilang aksyon ang climax nito kung saan naghabulan ang dalawang bida na mula sa pagiging intelihente ay bigla silang nawalan ng utak at hindi marunong mag-isip.
Masakit sa ulo lalo na't dahan-dahan mong mapapanood ang pagkasira ng isang napaka-iconic na kuwento. May L na nakakainis, Light na bobo at Mia na siya namang marunong mag-isip. Katulad ng musical scoring nito mula sa 80's ay napaka-out-of-place ng mga pangyayari. Ayoko sanang sabihan ang isang pelikula ng basura kung maaari dahil alam ko ang hirap ng isang team sa pagbuo ng palabas pero dahil sa ginawa nila sa Death Note ay tatawagin ko talaga itong basura.
No comments:
Post a Comment