Poster courtesy of Asian Wiki © Soo Film |
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Kim Yoon-seok, Byun Yo-han
Genre: Drama, Fantasy, Romance
Runtime: 1 hour, 51 minutes
Director: Hong Ji-young
Writer: Hong Ji-young, Guillaume Musso (novel)
Production: Soo Film
Country: South Korea
Isang malubhang sakit ang kinikimkim ng duktor na si Soo-hyun (Kim Yoon-seok) at sa kaniyang nalalabing panahon ay tanging nais lang nito ang muling makita ang kaniyang pinakamamahal na pumanaw na 30 taon na ang nakakalipas.
Sa kaniyang naging medical mission sa isang liblib na lugar ay makakakilala siya ng isang misteryosong lalaki na siyang magbibigay sa kaniya ng sampung mahiwagang tableta. Bawat tabletang iinumin nito ay ibabalik siya sa nakaraan. Sa mismong kabataan ni Soo-hyun kung saan abot kamay pa nito ang kaniyang kasintahang si Yeon-ah (Chae Seo-jin).
Makikilala nito ang kaniyang batang bersyon (Byun Yo-han), malakas, palaban at masayang umiibig. Nang matuklasan ng batang Soo-hyun ang nakatakdang mangyari kay Yeon-ah ay hihimukin nito ang tulong ng matandang Soo-hyun upang maiwasan ang naka-ambang panganib para kay Yeon-ah. Bubuo ang dalawa ng isang plano na hindi mapapalitan ang kasalukuyan at hinaharap kung saan isang pagkakamali lang ay maaaring magbago ang lahat.
Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, mahirap at malikot ang kuwento ng time travel. Kung hindi mo sasagutin ang mga katanungang maaaring mabuo mula sa kuwento ay tiyak na malilito ang manonood. Marami akong naging katanungan tungkol sa pelikula katulad ng kaya bang pumili ni Soo-hyun ng oras at panahon na babalikan sa nakaraan? At kaya palang umabot ng hanggang 30 years ang isang tableta ng gamot? Kung sabagay, isa itong pantasya kaya malamang kaya nga.
Para sa akin, masyado na-stretched ang naging istorya nito. Hindi man lang ipinakita ang naging consequences ng time travel lalo na't malaki ang pinalitan nila mula sa nakaraan. Doon pa lang ay hindi na ako mapalagay. Sa totoo lang, maganda sana ang kuwento nito. Bittersweet kumbaga, pero hindi maganda ang pagkaka-handle nila rito. Wala akong naging emotional investment sa mga karakter dahil boring ang character development nila, minsan nakakairita pa.
May kilig naman sa simula, pero agad ding nawala sa climax ng pelikula at sa dulo. Maayos naman ang naging portrayal ng cast sa mga kaniya-kaniyang karakter. Iyon lang ay masyado akong maraming tanong para bigyan pansin pa ang mga ito. Overall, hindi ako satisfied sa kinalabasan kahit na maganda ang konsepto nito.
No comments:
Post a Comment