Search a Movie

Saturday, June 22, 2019

The Favourite (2018)

Poster courtesy of IMP Awards
© Fox Searchlight Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Olivia Colman, Emma Stone, Rachel Weisz
Genre: Biography, Comedy, Drama, History
Runtime: 1 hour, 59 minutes

Director: Yorgos Lanthimos
Writer: Deborah Davis, Tony McNamara
Production: Fox Searchlight Pictures, Film4, Waypoint Entertainment, Element Pictures, Scarlet Films, TSG Entertainment
Country: United Kingdom, Ireland, USA


Sakitin at unti-unti nang ginugupo ng kaniyang karamdaman ang reyna ng Inglatera na si Queen Anne (Olivia Colman) kaya naman sa gitna ng digmaan ay ang malapit na kaibigan at ang Duchess of Marlborough na si Sarah (Rachel Weisz) ang kaniyang tanging naging kaagapay sa mga pagbibigay ng desisyon.

Sa pagdating ng pinsan ni Sarah na si Abigail Hill (Emma Stone) sa palasyo upang mamasukan bilang katulong ay layunin nitong baghuin ang estado ng kaniyang buhay. Kasabay nito ay pareho ring magbabago ang buhay hindi lang ni Sarah kundi maging ang reynang si Anne.

Ang nakakamangha sa pelikula ay ang napakatalinong pagsusulat nito. Hindi lang sa istorya kundi maging sa mga dialogue ng mga karakter na mistulang tula. Sa simula ay bibigyan ka ng isang bida na kakampihan mo, sasabayan mo siya sa bawat tagumpay, paghihirap at bawat paglutas sa kahaharaping problema. Ngunit sa pag-usad ng kuwento ay hindi mo mamamalayang baliktad na ang kuwento at hindi mo na alam kung saan ka lulugar. Sasabayan mo ba ang dating kakampi o susuportahan mo na ang ibang karakter?

Bukod sa kuwento ay dapat ding bigyan ng pansin ang napakaganda nitong production. Ang ganda ng costume, set design, props at bawat make-up na umangkop sa tema ng palabas. Napakagaling din ng tatlong bida nito. Si Colman ang pinaka-nagshine sa lahat. Ipadarama niya sa iyo ang kaniyang isinasabuhay at talagang mararamdaman mo bilang manonood ang kaniyang mga pasanin, pisikal man o emosyonal. Hindi rin naman nagpahuli si Stone, madali ka lang niyang mahuhuli dahil sa mga characteristic ng kaniyang role na madali lang niyang ginampanan. Maganda rin ang dalang dry humor ng pelikula na karamihan ay manggagaling mula kay Stone.

Gayunpaman, sa dami ng mga positibong nabanggit. May kulang, at ito ang main course. Maganda ang bawat eksena, ang pag-agos ng istorya at lahat pero para bang puro appetizers ang aking nakita at walang naihain na main course na magpapa-wow sa akin dahilan upang manatili ito sa aking isipan ng mahabang panahon.

 

No comments:

Post a Comment