Poster courtesy of IMDb © Media 8 Entertainment |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Hilary Swank, Patrick Swayze, Barbara Hershey, Rachael Leigh Cook
Genre: Crime, Mystery
Runtime: 1 hour, 26 minutes
Director: Greg Marcks
Writer: Greg Marcks
Production: MDP Worldwide, Firm Films, Media 8 Entertainment
Country: USA, Canada
Sari-saring insidente ang magaganap sa pagpatak ng 11:14 ng gabi sa bayan ng Middleton. Magmumula ito sa iba't-ibang perspektibo ng limang tao na bagamat estranghero sa bawat isa ay magkakaroon ng koneksyon ang kanilang desisyon sa buhay ng isa't-isa.
Isang katawan ang tatama sa minamanehong sasakyan ni Jack (Henry Thomas), kasabay nito ay isang dalaga rin ang mababanga ng sasakyan ng magkakaibigang sina Tim (Stark Sands), Mark (Colin Hanks) at Eddie (Ben Foster). Samantala, sa isang convenience store ay pagnanakawan ang bantay nitong si Buzzy (Hilary Swank) ng kaniyang kaibigan na si Duffy (Shawn Hatosy) para sa buntis nitong kasintahan.
Sa parehong gabi, habang ipinapasyal ni Frank (Patrick Swayze) ang kaniyang aso ay matatagpuan nito ang susi ng kaniyang anak sa tabi ng isang bangkay. Sa takot na magkasala ang anak ay didispatyahin nito ang bangkay. Ang hindi nito alam, ang anak nitong si Cheri (Rachael Leigh Cook) ay gumagawa na rin ng sariling paraan upang itago ang kasalanan.
Magkakaiba ang kuwento subalit kapag pinagtagpi-tagpi mo ay makakabuo ito ng isang nakakamangha at napakatalinong istorya. Ito ang pinaka-highlight ng 11:14, ang kakaiba nitong storytelling na siyang magpapa-hook sa mga manonood. At habang isa-isa mong pinapanood ang magkakaibang kuwento, ay paiba-iba rin ang magiging pagtingin mo sa bawat karakter. Habang nade-develop ang flow ng palabas ay sumasabay din ang character development nito.
Maganda ang dark humor na dala ng 11:14, masarap rin sa tainga ang soundtrack na ginamit. Matatawa ka kahit na medyo dark ang bawat tagpo. Gayunpaman, kinulang ito ng maayos na konklusyon, nabitin ako dahil hindi na ipinakita pa kung ano ang kinauwian ng bawat karakter na sinubaybayan mo ng mahigit isang oras.
No comments:
Post a Comment