Poster courtesy of IMP Awards © Marvel Studios |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Brie Larson, Samuel L. Jackson
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 3 minutes
Director: Anna Boden, Ryan Fleck
Writer: Anna Boden, Ryan Fleck, Geneva Robertson-Dworet, Nicole Perlman (story), Meg LeFauve (story), Stan Lee (comics), Gene Colan (comics), Roy Thomas (character)
Production: Walt Disney Pictures, Marvel Studios, Animal Logic
Country: USA
Isang grupo ng Skrull na pinapamunuan ni Talos (Ben Mendelsohn) ang nagtungo sa Earth upang hanapin si Dr. Wendy Lawson (Annette Bening) na nagta-trabaho sa US Air Force para sa Project P.E.G.A.S.U.S.. Bago pa man makapaminsala ay uunahan na ni Vers (Brie Larson) ang grupo upang makaiwas ng gulo.
Sa planetang ito makikilala ni Vers si Nick Fury (Samuel L. Jackson), ang magiging kapareha niya sa paglaban sa mga Skrull at paghahanap kay Lawson. Gagamitin ni Fury ang kaniyang koneksyon upang mas mapadali ang paghahanap sa naturang duktor subalit hindi lang tungkol sa Project P.E.G.A.S.U.S. bagkus ay isang natatagong sikreto ang mabubunyag tungkol kay Vers at sa katauhan ni Carol Danvers.
Isa na siguro si Captain Marvel sa isa sa most hated superheroes of all-time at alam ko kung bakit. Dahil nakaka-irita ang pagiging arogante nito. Malakas siya, magaling at matalino subalit iba ang humor ng pagyayabang ng tulad nila Iron Man at Thor sa pagyayabang ni Captain Marvel. Masyadong mapagmataas at laging nagbubuhat ng sariling bangko. Hindi ito maganda bilang panimula sa mga manonood na hindi pamilyar sa kaniya.
Subalit, isang malaking subalit, ang pagiging arogante niyang ito ay makakasanayan mo rin sa pag-usad ng pelikula. Nakatulong ang karakter ni Fury upang mas maging katanggap-tanggap ang yabang ni Captain Marvel dahil sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kabatuhan ng linya. Maganda ang naging tandem nilang dalawa, maayos ang pagkakabuo ng bond sa pagkakaibigan nila. At masasabi kong si Captain Marvel na siguro ang pinakamalapit na superhero kay Fury dahil siya ang kauna-unahang superhero na nakilala nito at naging dahilan ng pagkabuo ng Avengers.
Sa totoo lang, maganda ang pelikula. Hindi ko inaasahang magugustuhan ko ito. Napakaganda ng visual effects, at magaling din ang mga fight sequences. Gusto ko ang kuwento, nagawa nilang bigyan ng maaksyong misyon si Captain Marvel at isabay ang origin story nito na mabuti na lang at hindi gaanong mahaba dahil sa tingin ko'y boring lang ang kalalabasan nito. Hindi mo aasahan ang biglang pagbaliktad ng kuwento nito katulad ng pagkapoot mo sa bida na agad mo ring mamahalin.
Ang hindi kagandahang puna na masasabi ko lang tungkol sa palabas ay hindi marunong umarte si Larson. Ito ang pangalawang pelikula na napanood kong bumida siya at hinangaan ko siya sa nauna, Room (2015), pero dito ay tila ba baguhan lang siya. Alam kong kailangang matigas ang kaniyang karakter subalit inaasahan ko rin namang magbibigay siya ng ilang emosyon o ekspresyon sa mukha at hindi lang iisang poker face sa buong pelikula.
Maganda ang kinalabasan ng Captain Marvel para sa aking opinyon. Nakaka-turn off lang ang bida na hindi marunong umarte dahil ang ganda ng cinematography, visuals at maging ang kuwento. Sa kabila ng pagkamuhi ko sa kaniya noong una ay naantig ako sa biglaang pagpapakita nito sa credit scene ng pelikula. Isang patunay na nagustuhan ko nga talaga ang palabas.

No comments:
Post a Comment