Search a Movie

Tuesday, June 4, 2019

Journey to the Center of the Earth (2008)

Poster courtesy of IMP Awards
© New Line Cinema
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Brendan Fraser, Josh Hutcherson, Anita Briem
Genre: Action, Adventure, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 33 minutes

Director: Eric Brevig
Writer: Michael D. Weiss, Mark Levin, Jennifer Flackett, Jules Verne (novel)
Production: New Line Cinema, Walden Media, Mel's Cite du Cinema
Country: USA


Ang volcanologist at propesor na si Trev Anderson (Brendan Fraser) ang nakatokang maging babysitter ni Sean Anderson (Josh Hutcherson), ang kaniyang pamangkin mula sa pumanaw nitong kapatid na si Max Anderson (Jean-Michel Paré). Habang binabalikan ang mga gamit ng kapatid ay mapapasakamay nito ang librong Journey to the Center of the Earth ni Jules Verne laman ang ilang notes mula kay Max.

Dahil sa bagong impormasyon na nakalap ay nagtungo ang mag-tiyuhin sa Iceland upang imbistigahan ang mga nakatala sa naturang libro sa tulong mountain guide na si Hannah Ásgeirsdóttir (Anita Briem). Dito nila madidiskubre ang isang mahiwaga at mapanganib na tagong lugar mula sa sentro ng daigdig.

Hindi ako pamilyar sa libro kaya naman ang magiging opinyon ko rito ay base lang sa aking mga napanood. Taong 2008 ipinalabas ang pelikula, sa panahon kung saan ay mayroon nang maayos na CGI ang Hollywood mainstream movies. Kaya naman nakakadismayang makita na hindi naging maganda ang visual effects ng pelikula dahilan upang makabawas ito sa pagiging magical ng misteryosong lugar.

Maganda naman ang naging adventure ng mga bida kahit na medyo walang kuwenta ang istorya, masaya ang naging chemistry nila Fraser, Hutcherson at Briem. Gusto ko ang kanilang naging team-up lalo na ang dala nilang humor. Nakaka-aliw itong panoorin kung ako'y mas bata ng sampung taon pero sa edad ko ngayon, hindi na papasa para sa akin ang mga ganitong tipo ng kuwento kung saan ang hindi magandang pagsasama ng mga magkakapamilya ay aayusin ng isang pambihirang karanasan. Masyadong nang cliché.


No comments:

Post a Comment