Poster courtesy of Click the City © Star Cinema |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Vilma Santos, Angel Locsin, Xian Lim
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 2 hours, 7 minutes
Director: Joyce E. Bernal
Writer: Irene Emma Villamor
Production: ABS-CBN Film Productions, Star Cinema
Country: Philippines
Mataray, istrikto at business oriented si Vivian Rabaya (Vilma Santos), ngunit sa isang iglap ay biglang nagbago ang kaniyang buhay nang ma-diagnose siya na mayroong stage 3 cancer. Dahil dito ay kinailangan niyang kumuha ng isang private nurse. Dito na papasok sa buhay niya ang makulit ngunit mabait na nurse na si Jaica Domingo (Angel Locsin).
Upang maitaguyod ang pamilya mula sa kahirapan ay pagta-tiyagaan ni Jaica ang kamalditahan ng kaniyang amo. Ang hindi nito alam, si Jaica ang magiging susi upang maayos ang nagkalamat na relasyon ni Vivian at ng kaniyang anak na si Albert Mitra (Xian Lim).
Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero napaka-calming panoorin si Locsin. Maaaring dahil sa malumanay nitong boses o sa magandang rehistro sa screen, kung ano pa man ang dahilan, mabilis kong nagustuhan ang kaniyang karakter. May tendency lang na maging OA siya sa pagpapatawa, minsan nawawalan ng comedic timing pero overall ay nakakatawa pa rin naman siya.
Sa kabilang banda, pansin ko na medyo nahirapan si Santos na magmaldita sa simula. Alam kong wala sa kaniyang nature ang maging suplada, pero kalaunan ay naisabuhay pa rin naman nito ng maayos ang nega na karakter ni Vivian. Napakaganda ng chemistry nilang dalawa ni Locsin. Masarap panoorin ang contrasting na attitude ng bawat isa. Kaya nga lang, madaling nawakasan ang chemistry na ito nang pumasok si Lim. Hindi siya marunong umarte. Panira ng moment kumbaga.
Pagdating sa kuwento, bagamat predictable na ang takbo nito ay maganda ang naging pag-handle nila rito. Nagustuhan ko na ang ginawa nilang main ingredient sa palabas ay ang hindi magandang pagsasama ng mag-ina at ginawa na lang na sahog ang love angle sa pagitan ni Lim at ni Locsin. Ipapakita rin ng pelikula kung gaano kadaling mabawi ang buhay ng isang tao at kung ano ang nagagawa ng kanser sa isang nilalang na dinapuan nito.
Maganda ang Everything About Her. Walang dull moments pagdating sa mga eksena ni Locsin. Siya at si Santos ang tunay na nagbuhat ng pelikula. Sila ang bumuhay nito kahit na simple lang ang istorya ng palabas. Nasabi kong panira si Lim pero gusto ko lang din siyang bigyan ng credit dahil naibigay naman niya ng maayos ang tamang emosyon sa eksena kung saan kinakailangan ng matinding aktingan. At nasabi ko ba na bagay na bagay ang mga ginamit na kanta para sa palabas?
No comments:
Post a Comment