Search a Movie

Sunday, January 12, 2020

And Ai, Thank You! (2019)

Poster courtesy of IMDb
©  Reality Entertainment
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Ai-Ai delas Alas
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 20 minutes

Director: Joven Tan
Writer: Joven Tan
Production: Reality Entertainment, Horseshoe Studios
Country: Philippines


Award-winning, tinitingala at hinahangaang aktres si Aileen dela Rosa (Ai-Ai delas Alas) subalit isang malaking dagok ang biglang darating sa kaniyang perpektong buhay. Mayroon siyang brain cancer at ilang buwan na lang ang ilalagi nito.

Nang malaman ang masamang balita ay gagamitin ni Aileen ang mga natitirang oras nito sa mundo upang gawin ang mga bagay na ayaw niya dating gawin at balikan ang mga taong tumulong at sumuporta sa kaniya noong siya'y nagsisimula pa lang bilang artista.

Basta si delas Alas ang pinag-uusapan, dalawa lang ang masasabi ko sa kaniya. Kaya niyang magpatawa at kayang-kaya niyang magpaiyak. Ito ang mga naramdaman ko habang pinapanood ang kaniyang pelikula. Matatawa ka at sa parehong pagkakataon ay mapapaluha ka sa istorya ng kaniyang karakter.

Ang naging problema ko lamang dito ay ang story flow ng pelikula. Sa totoo lang ay makalat ang flow ng istorya. Para lang itong montages ng mga ginawa ni Aileen sa mga nalalabi nitong oras. Pagkatapos ng iyakan ay agad itong susundan ng komedya na susundan ulit ng iyakan. Ganito ang nangyari sa storyline ng And Ai, Thank You. Wala masyadong nagbago sa karakter ni delas Alas na siyang inaabangan sa mga ganitong klase ng kuwento.

Para bang ang character development nito ay pinaghalo-halo na sa bawat parte ng pelikula kaya para bang hindi mo ma-appreciate ang mga pinaggagawa niya sa kuwento. Mabait, mataray, istrikto, pero hindi mo alam kung saan papatungo ang kaniyang personalidad o kung may nagbago ba matapos siyang ma-diagnose ng cancer.

Naintindihan ko ang mensaheng nais iparating ng pelikula, pero magulo ang pagpaparating nito. Mabuti na lang at bawat punchline at comedy sequences ng palabas ay nakakatuwa dahil na rin sa tulong ng supporting cast. Maganda sana ito kung nabigyan lang ito ng maayos na sequencing. Masyado kasing makalat ang mga biglang pasok ng punchlines na kahit nakakatawa ay paraing nagpa-cheap sa aura ng palabas.


No comments:

Post a Comment