Poster courtesy of IMP Awards © BRON Studios |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Rebel Wilson, Liam Hemsworth, Adam DeVine, Priyanka Chopra
Genre: Comedy, Fantasy, Romance
Runtime: 1 hour, 29 minutes
Director: Todd Strauss-Schulson
Writer: Erin Cardillo, Dana Fox, Katie Silberman
Production: BRON Studios, Camp Sugar, Creative Wealth Media Finance
Country: USA
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa mga romantic-comedies? Bukod sa magaan lang ang mga dalang kuwento ay pakikiligin ka pa ng mga overused na storylines at stereotyped na characters. Ito ang rason kung bakit ayaw na ayaw ni Natalie (Rebel Wilson) sa mga romcom. Dahil sa mga romantic-comedies na ito kung kaya't bumaba ang self-esteem niya at hanggang ngayon ay wala pa siyang love life.
Mababago ang pananaw na ito ni Natalie nang maaksidente ang dalaga at biglang magkamalay sa isang mundo kung saan ang bawat eksena ay tila nasa isang romantic-comedy movie. Upang makawala sa kakaibang mundong ito ay kinakailangan niyang makahanap ng isang tunay na pag-ibig gamit ang mga kaalaman nito sa mga romcom.
Gusto ko yung pagiging satire ng pelikula kung saan nila tinitira ang mga kalimitang formula na ginagamit sa mga romantic-comedy movies katulad ng boy-meets-girl, star-crossed lovers at kung anu-ano pa. Kaso, sobrang ironic lang na bagamat pinuna nila ang mga romcom formulas na ito ay ganoon din naman pala ang magiging takbo ng palabas... cliché at predictable.
Naaliw ako kay Wilson dito. Havey na havey ang mga comedy antics niya kahit na walang ipinagbago ang pag-arte niya na parehong-pareho ang atake sa iba pa niyang comedy movies. Sa pelikulang ito ko rin napansin ang taglay nitong ganda. Dahil na rin siguro siya ang highlight ng pelikula at hindi lang sidekick ng bida. Maganda ang naging chemistry nila ni DeVine at gayun din kay Hemsworth na kahit kanino siya mapunta ay ayos lang.
Nagustuhan ko rin ang naging aesthetic ng Isn't It Romantic, makulay at tunay na romcom na romcom ang dating. Hindi na bago ang storyline na hinaluan ng fantasy element at ginawang satire. Sa romantic plot lang talaga nagkatalo na katulad ng napakaraming romcom ay iisa lang ang kinauwian... sa happy ending.
No comments:
Post a Comment