Poster courtesy of IMP Awards © New Line Cinema |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: James McAvoy, Jessica Chastain, Bill Skarsgård
Genre: Drama, Horror
Runtime: 2 hours, 49 minutes
Director: Andy Muschietti
Writer: Gary Dauberman, Stephen King (novel)
Production: KatzSmith Productions, Lin Pictures, New Line Cinema
Country: USA
Dalawampu't pitong taon ang lumipas simula nang talunin siya ng isang grupo ng kabataan ay muling nagbalik si Pennywise (Bill Skarsgård) sa bayan ng Derry, Maine upang muling maghasik ng lagim.
Nang mapansin ni Mike (Isaiah Mustafa), ang tanging nanatili sa kanilang bayan matapos ang insidente, ang pagbabalik nito ay muli niyang hinimok ang kaniyang mga kaibigang sina sina Bill (James McAvoy), Beverly (Jessica Chastain), Richie (Bill Hader), Ben (Jay Ryan), Eddie (James Ransone) at Stanley (Andy Bean) upang balikan ulit ang kanilang katunggali sa huling pagkakataon.
Maganda ang cinematography, maganda ang buong vibe, gayun din ang cast na tumugma sa mga kanilang batang bersyon, ito ang mga pangunahin kong nagustuhan sa pelikula. Make-up at costume, maging ang set design at props, in short ang buong production ay nakakamangha. Ginastuhan, pinaghandaan at pinaganda para sa mga manonood na nag-aabang.
Pero ang inaasahan ko sa pelikula ay bagong kuwento na hindi nila naibigay. Oo nga't mayroon silang mga bagong mukha para isabuhay ang mga karakter sa naunang palabas pero halos inulit lang nila ang mga nangyari sa part 1 na ang pagkakaiba ay sa halip na mga bata ay mga matatanda na ang nagsubok tumapos sa iconic clown.
Mabuti na lang at mayroong sari-sariling issues ang mga karakter na siyang bibigyan nila ng closure dito sa part two nang kahit papaano ay may saysay pa rin ang pagkakaroon nito ng sequel. Ang nakakadismaya lang ay hindi na sila gumawa ng ibang storyline at ni-recycle na lamang ang naging kuwento sa naunang palabas. Ang matindi pa rito ay sinayang nila ang pagkakataon na ibahagi ang kuwento ni Pennywise.
Sa aking opinyon ay nakakatawa rin ang mga halimaw dito sa It Chapter Two dahil siguro sa CGI? Hindi ako eksperto diyan pero sa totoo lang ay hindi talaga sila nakakatakot, maliban na lang kay Pennywise na sobrang nabigyang hustisya ni Skarsgård. Pero hindi lang si Skarsgård ang nakapagbigay ng hustisya sa kanilayang karakter. Maging si McAvoy ay nag-shine rin sa pelikula at isa siya sa mga naging highlight ng palabas.
Pagdating sa idinagdag na humor, out of place ang dating nito. Parang puzzle piece na hindi pasok para sa seryoso nitong tema. Kahit papaano ay nakakatuwa naman ang mga patawa dito pero nadamay ang tone ng franchise na mlagim, seryoso at nakakatakot. Dahil sa sequel ay tila ba bumaba ang tingin ko rito, impression-wise, dahil sa humor na undertone nito.
Sa huli ay mamahalin mo pa rin ang pelikula dahil sa mga bida at karakter nito. Sa dalawang palabas na ating nasubaybayan ay napamahal na sa atin ang mga karakter lalo na't napanood na natin ang mga naging pagsubok ng grupo at mula rito ay nakilala natin ang kani-kanilang personalidad. Kahit mediocre lang ang kuwento ay tiyak na aabangan ko pa rin ito kung sakali mang magkaroon pa ng ikatlong installment ang franchise dahil sa emotional investment na nailaan sa mga karakter.
Sa huli ay mamahalin mo pa rin ang pelikula dahil sa mga bida at karakter nito. Sa dalawang palabas na ating nasubaybayan ay napamahal na sa atin ang mga karakter lalo na't napanood na natin ang mga naging pagsubok ng grupo at mula rito ay nakilala natin ang kani-kanilang personalidad. Kahit mediocre lang ang kuwento ay tiyak na aabangan ko pa rin ito kung sakali mang magkaroon pa ng ikatlong installment ang franchise dahil sa emotional investment na nailaan sa mga karakter.
No comments:
Post a Comment