Search a Movie

Thursday, February 13, 2020

Last Christmas (2019)

Poster courtesy of IMP Awards
© Universal Pictures
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Emilia Clarke, Henry Golding
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 43 minutes

Director: Paul Feig
Writer: Emma Thompson, Bryony Kimmings, Greg Wise (story)
Production: Calamity Films, Feigco Entertainment, Perfect World Pictures, Universal Pictures
Country: United Kingdom, USA


Isang hamak na saleslady si Kate (Emilia Clarke) na nagta-trabaho bilang "elf" sa isang all-year Christmas shop sa London. Walang permanenteng tirahan, walang kaibigan, walang patutunguhan ang buhay. Gabi-gabi ay tumatambay ito sa mga bar kung saan siya sumasama sa mga lalaking nakikilala niya upang magkaroon ng matutuluyan para sa magdamag.

Hanggang sa makilala nito si  Tom (Henry Golding) isang masiyahing binata na mayroong kakaiba ngunit positibong pananaw sa buhay. Si Tom ang magiging dahilan ng pagbabago sa buhay ni Kate ngunit kung kailan unti-unti na nitong naaayos ang kaniyang sarili ay saka naman nito malalaman ang kuwento sa likod ng pagkatao ni Tom.

Pag-usapan natin ang istorya ng Last Christmas kung saan ang tanging twist lang nito ang nagbigay saysay sa pelikula. Mababaw ang mga rason ni Kate para magkaroon ng rebeldeng personalidad kumpara sa ibang dinaranas ng mga katulad niya sa iba't-ibang panig ng mundo. Mga 1st world problems na kapag itinabi mo sa mga tunay na problema ay walang-wala itong palag. 

Naging dragging nga lang at boring ang takbo ng pelikula sa kalagitnaan dahil hindi naman gaanong ka-interesado ang kuwento ni Kate at ni walang pasilip sa mundo ni Tom. Dahil sa kakulangan ng background story ni Tom kung kaya't nagkaroon na ako ng hinala sa maaaring maging twist ng palabas. Masyadong halata lalo na sa paglalim ng istorya. Kaya naman hindi na ako nagulat pero nakaramdam pa rin ako ng madramang ending.

Sa chemistry nila Clarke at Golding, nahirapan silang magkaroon ng spark kahit na lovable naman ang contrasting personalities ng pareho nilang karakter, kapag pinagsama ay hindi ko agad makapa ang chemistry. Pilit ang pagiging happy-go-lucky ni Tom at hindi rin dama ang dalang pasanin ni Kate. Mediocre story, mediocre acting, overall ay isang mediocre na pelikula.


No comments:

Post a Comment