Poster courtesy of IMP Awards © Walt Disney Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Idina Menzel, Kristen Bell, Josh Gad, Jonathan Groff
Genre: Adventure, Animation, Comedy, Fantasy, Musical
Runtime: 1 hour, 43 minutes
Director: Chris Buck, Jennifer Lee
Writer: Jennifer Lee, Chris Buck (story), Marc E. Smith (story), Kristen Anderson-Lopez (story), Robert Lopez (story)
Production: Walt Disney Animation Studios, Walt Disney Pictures
Country: USA
Magsisimula ang kuwento ng pelikula sa isang misteryosong tinig na matagal nang bumabagabag sa reyna ng Arendelle na si Elsa (Idina Menzel). Ang naturang tinig ay konektado sa isang enchanted forest na minsan nang nabanggit ng mga magulang nila Elsa at Anna (Kristen Bell) noong sila'y bata pa lamang.
Isang gabi'y biglang nagparamdam ang mga elemental spirits dahilan upang kailanganing lumikas ng mga tao sa kaharian para sa kanilang kaligtasan. Bilang reyna, ito ang naging hudyat ni Elsa upang harapin ang boses na matagal nang tumatawag sa kaniya.
Kasama sina Anna, Kristoff (Jonathan Groff), Olaf (Josh Gad) at Sven ay tatahakin ng kanilang grupo ang mailap na kagubatan upang alamin ang sagot sa likod ng tinig na naririnig ni Elsa. Sa paglalakbay na ito ay isang katotohanan ang matutuklasan ng magkapatid at dito na malalaman ni Elsa ang dahilan ng pagkakaroon niya ng kapangyarihan.
Malayung-malayo ang naging vibe ng Frozen II kumpara sa nauna nitong pelikula. May pagka-dark ang kuwento na mas pinalawak at pinalalim. Dahil dito ay lumaki ang mundo nila Elsa at Anna. Gumanda rin ang development ng kuwento ng mga karakter. Nabigyan na ng sagot kung papaanong nakuha ni Elsa ang kaniyang kapangyarihan gayun din na nabigyan din ng sariling kuwento ang kanilang mga magulang.
Ang ikinabahala ko lang sa palabas na ito ay tila ba hindi konkreto ang naging istorya nito. Hindi kayang ayusin ng mga elemental spirits ang problema ng enchanted forest ngunit sa huli ay sila rin ang nakatapos ng suliranin. Tila ba nawalan ng silbi ang pagiging higher up ng mga elemental spirits dahil sa paraan kung paano sila umasta - parang mga hayop na walang sariling pag-iisip. Kaya naman nalito lang ako sa parte kung paano sila nahirapan sa isang problema na mayroong napakadaling solusyon.
Pagdating sa animation, wala akong masabi. Napakalaki ng improvement nito pagdating sa mga detalye, kulay at kabuuan ng pelikula. Napakasarap panoorin dahil makikita ang hirap at paghahanda na ipinukol dito ng mga nasa likod ng pelikula.
Maganda rin naman ang bawat kantang ginawa para sa Frozen II ngunit maliban sa main theme song ay wala nang mayroong recall.
Makikita sa palabas ang effort at gastos na ibinigay para sa Frozen II subalit dahil sa pagiging malawak ng istorya nito ay tila hindi ito napaghandaan. Gayun din ang mga musika na hindi ka na magkaka-interes pang pakinggan sa ikalawang pagkakataon maliban na lang kung ma-LSS ka dahi paulit-ulit itong kinakanta ng iba. Bibigyan ko itong ng average rating dahil natuwa ako sa karakter ni Olaf na siyang nagbuhat sa katatawanang dulot ng pelikula.

No comments:
Post a Comment