Search a Movie

Tuesday, March 17, 2020

I Luv U, Pare Ko (2013)

Poster courtesy of IMDb
© Kris Film Productions
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Rocco Nacino, Rodjun Cruz
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 40 minutes

Director: Neal Tan
Writer: 
Production: Kris Film Productions
Country: Philippines


Matalik na magkaibigan sina Sam (Rocco Nacino) at Carlo (Rodjun Cruz). Ngunit sa kabila ng pagiging madikit ng dalawa sa isa't-isa ay isang malaking lihim ang namamagitan sa magkaibigan.

Bakla si Sam at umiibig siya sa kaniyang kaibigan. Ang problema ay galit naman sa bakla si Carlo kung kaya't napilitang magpakalalaki si Sam at kinailangang itago ang nararamdaman kay Carlo upang hindi magbago ang tingin sa kaniya ng kaniyang mahal.

Cute ang istorya ng I Luv U, Pare Ko. Nag-focus ito sa pagkakaibigan, pagmamahalan at  mga nasayang na oras at pagkakataon. Sa kabila ng pagiging comedy nito ay tragic at nakakalungkot ang kuwento lalo na't relatable ang mga pangyayari. Wholesome din dahil walang sex at kung ano pa na hindi pabor sa mga pa-inosente. Kumbaga sa telebisyon ay PG lang ito at hindi SPG.

Hindi na bago ang twist subalit ang ikinaganda nito ay hindi ko inaasahan na gagamitin ang twist na ito sa istorya kaya nagulat ako sa biglaang pagliko ng kuwento. Kahit overused na ay ayos pa rin dahil naipasok nila ito nang hindi inaasahan ng mga manonood.

Magaling si Nacino sa pelikula. Naipakita niyang kaya niyang pasukin ang mga gay roles ng walang kahirap-hirap. Nakakalungkot lang na hindi siya nasabayan ni Cruz na kinulang sa talento sa pag-arte. Marami siyang eksena na cringe, kasing cringe at corny ng mga extra at mga baklang multo. Pero kahit papaano ay nadala rin naman ako sa performance niya sa eulogy, ang katangi-tanging eksena kung saan siya pumasa.

Nasayangan ako sa pelikula dahil halatang kinulang sa budget. Mas maganda sana kung nabigyan ng maayos na kapareha si Nacino upang mas mapaganda ang palabas pero mahirap talagang umasa sa isang low-budgeted film. Cinematography, style, scoring at casting dito bumagsak ang pelikula.


No comments:

Post a Comment