Search a Movie

Sunday, January 9, 2022

Bliss (2017)

8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Iza Calzado, Ian Veneracion, TJ Trinidad
Genre: Drama, Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 40 minutes

Director: Jerrold Tarog
Writer: Jerrold Tarog
Production: Artikulo Uno Productions
Country: Philippines


Maituturing na isa sa pinakasikat at tinitingalang artista sa Pilipinas si Jane Ciego (Iza Calzado) subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang hihinto ang karera nito sa show business matapos siyang maaksidente sa kalagitnaan ng shooting ng kaniyang pelikula. Dahil sa nangyaring aksidente ay nabaldado si Jane at pansamantala siyang inilagay sa isang tagong bahay upang makaiwas sa mata ng publiko at ng mga press.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagpapagaling sa ilalim ng pangangalaga ng kaniyang asawang si Carlo (TJ Trinidad) katuwang ang isang hindi pangkaraniwang nurse ay unti-unti mahuhulog si Jane sa labis na kabaliwan nang magsimula siyang makaramdam ng mga hindi maipaliwanag na kababalaghan sa lugar na kaniyang kinaroronan.

Maganda ang pelikula. Iilan lang ang tipo ng ganitong palabas sa Philippines cinema kung saan ay psychological ang ginawang paraan ng pananakot. Katulad ng bida ay matatakot ka at mababaliw kahit wala itong multo o kung anumang malalakas at nakakatakot na tugtog na karaniwang nakikita at naririnig sa mga horror films. Nagawa nitong iparamdam sa mga manonood kung ano ang feeling ng isang taong nas ilalim ng bangungot.

Kung hindi mo mabibigyan ng sapat na atensyon ang pelikula ay tiyak na malilito ka sa paraan ng storytelling nito. Magulo at nakalilito at dahil diyan ay unpredictable ang bawat tagpo. Pero gayunpaman, dahil sa ilang foreshadowing at kung matalas ka sa panonood ay hindi na gaanong nakakagulat ang twist at revelations sa palabas pero mararamdaman mo pa rin ang satisfaction kapag nabuo na ang buong kuwento sa dulo ng palabas.

Magaling ang buong cast at nangibabaw dito si Calzado na tila ba gamay na gamay na ang kaniyang karakter. Nakipagsabayan sa kaniya si Adrienne Vergara na gumanap bilang Lilibeth, ang nurse ni Jane. Hindi rin naman nagpahuli sina Ian Veneracion at TJ Trinidad na nakapagbigay din ng unsettling vibe dahil sa kanilang role na nagpapatunay lamang sa pagiging versatile nilang aktor.


© Artikulo Uno Productions

No comments:

Post a Comment