Search a Movie

Wednesday, May 3, 2023

Avatar: The Way of Water (2022)

8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Sam Worthington, Zoe Saldana
Genre: Action, Adventure, Fantasy, Sci-Fi
Runtime: 3 hours, 12 minutes

Director: James Cameron
Writer: James Cameron, Rick Jaffa, Amanda Silver, Josh Friedman, Shane Salerno
Production: Lightstorm Entertainment, TSG Entertainment II
Country: USA


Labing-anim na taon matapos maitaboy ng mga Na'vi ang RDA sa tangka nilang pagsalakay sa Pandora, isa na ngayong chief ng Omatikaya clan si Jake Sully (Sam Worthington). Payapa na ang pamumuhay nito kasama ang asawang si Neytiri (Zoe Saldana), tatlong anak at isang adopted child.

Subalit taon man ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang kagustuhan ng RDA na sakupin ang Pandora lalo na't naghihingalo na ang Earth. Sa pangunguna ng recombinant na si Miles Quaritch (Stephen Lang) ay muling sasalakayin ng RDA ang Pandora. Sa parehong pagkakataon ay gagamitin na rin ni Quaritch ang oportunidad para maghiganti kay Sully at sa pamilya nito.

Napakahaba ng pelikula pero sulit naman ang oras na igugugol mo sa panonood nito dahil kung may tinatawag na eargasm ay mapapa-eyegasm ka naman sa Avatar: The Way of Water. Napakaganda ng visuals mula sa mga avatar hanggang sa Pandora, lahat ay detalyado at makatotohanan ang dating. Sa dagat man o sa himpapawid, lahat ng visual effects ng palabas ay pulido. Sa pagtagal ng panonood mo ay aakalain mo talagang totoo ang mga avatar. Hindi na nakapagtataka kung bakit ipagmamayabang ni James Cameron ang kaniyang obra ng mahigit tatlong oras dahil kitang-kita naman ang effort nila para mas pagandahin pa ang kanilang pelikula.

Pagdating sa kuwento, itinuloy nito ang mga kaganapan sa naunang pelikula. Naka-sentro ito sa paghihiganti ng kalaban at sa dilemma ng bida kung lalaban ba siya o ililigtas ang sariling pamilya. Maging ako ay nahirapan sa problema ng bida na kalaunan ay nasolusyunan din naman. Ang ikinaganda pa ng palabas ay nag-introduce sila ng bagong clan. Medyo nahirapan nga lang ako sa pag-recognize sa mga batang karakter dahil ilan sa kanila ay magkakamukha at sa loob ng tatlong oras ay hindi masyadong established ang bawat isa.

May mga cliche moments man pero ilalakbay ka ng palabas sa isang magical at action-packed na mundo ng Pandora. Ang kailangan mo lang gawin habang nanonood ay sit back, relax and enjoy!


© Lightstorm Entertainment, TSG Entertainment II

No comments:

Post a Comment