Search a Movie

Thursday, May 4, 2023

Plane (2023)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Gerard Butler, Mike Colter
Genre: Action
Runtime: 1 hour, 47 minutes

Director: Jean-François Richet
Writer: Charles Cumming, J.P. Davis
Production: MadRiver Pictures, Olive Hill Media, Di Bonaventura Pictures, G-Base
Country: USA


Sakay ang 14 na pasahero at tatlong cabin crew ay binaybay ng pilotong si Brodie Torrance (Gerard Butler) ang Singapore papuntang Honolulu. Subalit habang nasa himpapawid ay hinarap sila ng matinding pagsubok matapos silang salubungin ng malakas na bagyo.

Nasiraan ang eroplano habang nasa kalagitnaan ng kalangitan at kinakailangan ngayong mag-emergency landing ni Brodie. Mapapadpad sila sa Jolo, Philippines kung saan mas matinding suliranin pa ang kanilang haharapin matapos nilang mapag-alamang ang isla kung saan sila lumapag ay pinamumugaran pala ng New People's Army (NPA).

Naiintindihan ko kung bakit na-ban ang pelikulang ito sa Pilipinas. Isang matinding kasiraan kasi sa ngalan ng Pilipinas ang mga nangyari sa pelikulang ito. May kaunting katotohanan man pero para sa mga foreign viewers ay maaaring mag-iba ang impression nila sa buong lugar kapag napanood nilang hindi pala safe ang Pilipinas kahit na fictional lang ito.

Hindi ako nasasayangan sa pagka-ban ng pelikula dahil hindi naman ito maganda. Una, sobrang halata ang CGI na parang kinulang sa budget. Pangalawa, hindi ko alam kung saan nila pinulot ang mga supporting cast at extra na hindi man lang marunong umarte. Umasa pa naman ako ng maayos na palabas dahil sa lead star nitong si Butler kaso ay binigyan nila ako ng isang ewan na pelikula.

Boring ang storyline, hindi kapana-panabik. Maganda lang basahin ang plotline nito sa internet pero pangit ang naging execution nito. Boring din ang mga action scenes considering na si Butler ang bida rito na bumida na sa napakaraming matagumpay na action films tulad ng Has Fallen film series.

Ang nakaka-offend pa sa pelikulang ito, ang mga Pinoy NPA ay may accent kung magsalita. Kung Pinoy ka ay malalaman mo agad na hindi sila puro. Nakakainis pa na pinipilit nila ang Pinoy accent kapag nagsasalita ng English pero may slang naman kapag nag-Tagalog. Mas nairita ako nung hindi man lang nila nagawa ng maayos ang Pinoy accent na nagtunog Chinese English.


© MadRiver Pictures, Olive Hill Media, Di Bonaventura Pictures, G-Base

No comments:

Post a Comment