★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Jason Statham, Aubrey Plaza, Josh Hartnett
Genre: Action, Comedy
Runtime: 1 hour, 54 minutes
Director: Guy Ritchie
Writer: Ivan Atkinson, Marn Davies, Guy Ritchie
Production: Miramax, STXfilms, Toff Guy Films
Country: USA, United Kingdom
Isang gang sa Ukraine ang nagnakaw ng isang device na may pangalang "The Handle." Ang naturang device ay nagkakahalaga ng bilyong piso na maaaring gumiba sa security system ng lahat ng bagay sa mundo. Para mabawi ito ay hinire ng British government si Nathan Jasmine (Cary Elwes) para i-retrieve ang the Handle bago pa man ito maibenta ni Greg Simmonds (Hugh Grant) sa highest bidder.
Bago mahuli ang lahat ay bumuo si Nathan ng isang team sa pangunguna ng super-spy na si Orson Fortune (Jason Statham) kasama sina Sarah Fidel (Aubrey Plaza), JJ Davies (Bugzy Malone) at iba pa para makuhang muli ang the Handle. Sa kalagitnaan ng kanilang misyon ay mapag-aalaman ng grupo na hindi lang pala sila ang naghahanap ng naturang device.
Simula pa lang ng palabas ay intense na ang bawat tagpo. Ito ang gusto ko sa pelikula, wala nang paliguy-ligoy at pasikut-sikot, diretso agad sa kuwento para ma-hook ang mga manonood. Kung ano ang inaasahan ko kay Statham ay naibigay niya ito sa plabas. Magandang action scenes, astig na bida at karakter na matalino at may laban.
Iyon nga lang, isa lang itong tipikal na action movie na may generic storyline. May hinahanap, may kailangang i-retrieve, may sariling grupo ang bida: isang magaling sa paghawak ng baril, isang marunong sa paggamit ng computer at isang boss. Mga trope na ginawa na rin ng iba pang action films. Parehong formula, iba lang ang nagsisiganapan.
Ganoon pa man ay na-enjoy ko pa rin ang panonood nito at kung sakali mang gawin itong film series ay manonood pa rin ako dahil nagustuhan ko ang pagkakagawa at pagkakasulat sa mga karakter ng pelikula.
© Miramax, STXfilms, Toff Guy Films
No comments:
Post a Comment