Search a Movie

Sunday, June 15, 2025

Monster-in-Law (2005)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Jennifer Lopez, Jane Fonda
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 41 minutes

Director: Robert Luketic
Writer: Anya Kochoff
Production: BenderSpink, Spring Creek Pictures
Country: USA, Germany


Simple, madiskarte at masiyahing dalaga si Charlie (Jennifer Lopez). Ang ugali niyang 'yon ang dahilan kung bakit agad nitong nabihag ang puso ng binatang duktor na si Kevin (Michael Vartan). Naging masaya ang relasyon nila Charlie at Kevin subalit hindi inaasahan ni Charlie na magiging hadlang pala sa kanilang pag-iibigan ang ina ni Kevin na si Viola (Jane Fonda), isang TV personality na matapobre at may attitude problem.

Payak ang kuwento ng Monster-in-Law. Tapatan lang ito sa pagitan ng isang ina at isang manugang.  Hindi man groundbreaking ang storyline nito, makapagbibigay naman ito ng isang feel-good movie experience. Hindi pilit ang chemistry nila Lopez at Vartan. Mabilis kong kinagat ang spark sa pagitan ng kanilang love team dahil na rin sa mahusay na pagkakasulat sa bawat linyahan ng kanilang karakter. May dala itong kilig na sakto lang para ma-establish ang kanilang pag-iibigan. Pero maliban sa chemistry, ang tunay na bumida sa palabas ay si Fonda. Nangibabaw dito ang pagiging over-the-top pero charming ng kaniyang karakter.

Bagamat may ilang eksena na medyo underwhelming, katulad ng pre-dinner party na akala ko'y magiging climax na ng pelikula pero wala naman itong naitulong para umusad ang istorya, hindi nito tuluyang binigo ang audience. Bumawi naman sila sa dulo kung saan ay nagkaroon ng character development ang dalawang bida na kahit medyo cheesy at predictable ay heartwarming naman at magbibigay ito ng ngiti sa labi ng bawat manonood. Ang MVP ko sa palabas na 'to ay si Ruby (Wanda Sykes), ang sidekick na tagabigay ng comic relief at taga-tanggal ng umay sa nangyayaring kaguluhan sa istorya. 

Sa kabuuan, ang Monster-in-Law ay isang pelikulang hindi mo kailangang pag-isipan ng malalim. Hindi ito ang tipo ng movie na may matinding plot twist o aral sa dulo. Ito ‘yung klase ng pelikulang masarap balik-balikan kapag gusto mo lang tumawa at maaliw. Magaan sa loob, may tamang kilig at puno ito ng iconic moments na kahit medyo cliché ay nakakatuwang panoorin. Isa itong solid choice kung gusto mo ng chill at good vibes na pelikula.


© BenderSpink, Spring Creek Pictures

No comments:

Post a Comment