Poster courtesy of IMP Awards © Paramount Pictures |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Kaya Scodelario, Barry Pepper
Genre: Drama, Thriller
Runtime: 1 hour, 27 minutes
Director: Alexandre Aja
Writer: Michael Rasmussen, Shawn Rasmussen
Production: Paramount Pictures, Raimi Productions
Country: USA
Aspiring swimmer si Haley Keller (Kaya Scodelario) na bata pa lamang ay sumailalim na sa mabigat na training mula sa kaniyang amang si Dave Keller (Barry Pepper). Subalit kahit anong klaseng pagsasanay man ang gawin nito, magpahanggang ngayon ay hindi pa rin naabot ni Haley ang galing na kaniyang inaasam.
Isang abiso ang matatanggap ni Haley mula sa kaniyang kapatid na lisanin muna ang kanilang lugar dahil dito patungo ang isang category 5 na bagyo. Kasabay nito ay nababahala ang kaniyang kapatid dahil hindi sinasagot ng kanilang ama ang mga tawag nito kaya bago umalis ay minarapat ni Haley na alamin ang estado ng kanilang padre de pamilya.
Sa kasagsagan ng bagyo ay matatagpuan ni Haley si Dave sa basement ng kanilang lumang bahay na walang malay at sugatan. Sa pagtatangkang iligtas ang ama ay makakaharap ni Haley ang isang dambuhalang buwaya na handang kumitil sa kanilang buhay anumang pagkakataon. Sa ilalim ng limitadong oras ay masusubukan ang liksi at galing ni Haley sa larangan ng paglangoy para iligtas ang buhay nilang dalawa ng kaniyang ama bago pa man tuluyang malubog sa baha ang lugar na kanilang tinataguan.
Aesthetically pleasing ang naging cinematography ng Crawl. Nagustuhan ko ang maganda nitong visual effects at overall tone na akma sa tema nitong disaster-thriller. Tahimik ang mga naging tagpo sa simula at nagustuhan ko ang iba't-ibang level ng suspense na kanilang unti-unting binuo. Sinimulan nilang manakot sa pamamagitan ng masikip na setting (basement), na sinundan ng pagpapakilala sa kontrabida (buwaya), mas tumaas lalo ang tensyon nang magsimulang bumaha at lumakas ang bagyo na dinagdagan pa ng kawalan ng tulong.
Sa ganitong mga pagkakataon ay talagang mapapasuporta ka sa mga bida at mapapa-abang sa kanilang pakikipagsapalaran para sa kaligtasan ng kanilang buhay mula sa naka-ambang kamatayan. Ang problema ay hindi nila ito na-sustain hanggang sa dulo. Boring at out-of-place ang naging background story ng dalawang bida na isinama upang makapagbigay ng dramatic scenes at makakuha ng emotional pull. Mas maganda pa sana kung nagdagdag na lang sila ng iba pang karakter sa kalagitnaan ng istorya upang madagdagan ng kulay ang palabas.
Kung ako ang tatanungin ay masyado na ring naging kakatuwa ang mga nangyari sa climax nito. Hindi na kapani-paniwala ang mga kaganapan na masyadong pinalala para lang maging maaksyon. Naging invincible ang mga bida na para bang ang kagat ng buwaya at mga baling buto ay wala lang sa kanila. Ayos ang palabas na ito upang buhayin ang adrenaline rush ng mga manonood pero sumbora yata ang imahinasyon ng mga sumulat sa pelikula dahilan upang mawala ang pagiging disente nito. Minus points din ang pagkukulang ng mga bida sa departamento ng pag-arte.

No comments:
Post a Comment