Search a Movie

Wednesday, May 27, 2020

Miss Americana (2020)

Poster courtesy of IMP Awards
© Netflix
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Taylor Swift
Genre: Documentary
Runtime: 1 hour, 25 minutes

Director: Lana Wilson
Production: Tremolo Productions, Netflix
Country: USA


Ang Miss Americana ay isang documentary movie tungkol sa naging buhay ng pop star na si Taylor Swift. Binubuo ng interviews, concert recordings, home footage, at interviews, ipapasilip sa naturang palabas kung papaano ang naging buhay ng isa sa mga tinitingalang female singers ng kasalukuyang henerasyon.

Dito mapag-uusapan ang kaniyang palglalakbay, ankarera niya sa industriya ng musika, ang pagbuo ng kaniyang album na Reputation at Lover gayun din na matatalakay ang naging laban nito sa mga karamdamang tulad ng body dysmorphia at eating disorder, ang sakit na kanser ng kaniyang ina at kung papaano pinagpiyestahan at sinira ng toxic internet culture at media ang kaniyang pangalan.

Ibabahagi dito ni Taylor ang pagharap nito sa isang sexual assault at ang pagiging bukas nito sa kaniyang opinyon pagdating sa pulitika.

Fan man ni Taylor Swift o hindi, marami kang mapupulot sa kaniyang kuwento dahil ipapakita ng dokyumentaryong ito na katulad ng mga normal na tao ay minsan din siyang nangarap, mayroon din siyang opinyong ipinaglalaban, nakakatanggap din siya ng pambubully. Sa kabila ng karangyaan at kasikatang kaniyang tinatamasa ay hindi palaging masaya ang kaniyang buhay pero sa kabila nito ay pinilit pa rin niyang maging positibo at magbigay ng inspirasyon.

Nakulangan ako sa mga paksang ipinakita sa pelikula. Oo nga't maraming topic ang pinag-usapan ukol sa kalusugan, pulitika, musika at buhay ng isang sikat na personalidad subalit naghahanap ako ng iba, ng bagong impormasyon ukol sa kaniya dahil halos lahat ng ipinakita sa naturang documentary ay maaari lang mabasa sa internet dahil literal na nakabukas na ang buhay ni Taylor sa buong mundo.

Naghahanap ako ng mas personal na pagpapakilala tulad ng kung papaano siya nakabubuo ng mga kanta, paano at bakit niya pinasok ang industriya, mga bagay na siya lang mismo ang makakasagot. Hindi ko na kailangang malaman ang mga negatibong nangyari sa kaniyang buhay dahil nabasa at napanood ko na ito sa internet. Ang gusto kong malaman ay kung sino o ano ang mga nasa likod ng kaniyang tagumpay. Mga positibong impormasyon na magpapa-angat sa pangalang Taylor Swift at hindi mga bagay na nagsasabing isa siyang biktima na para bang nangangalap ng simpatya.


No comments:

Post a Comment