Poster courtesy of My Drama List © Destiny |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Yuki Yamada, Asuka Saito
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 54 minutes
Director: Yasuo Hasegawa
Writer: Kenzaburo Iida, Giddens Ko (novel)
Production: Destiny
Country: Japan
Maganda, matalino at mabait ang estudyanteng si Mai Hayase (Asuka Saito) kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit nahulog sa kaniya ang loob hindi lang ni Kosuke Mizushima (Yuki Yamada) kundi maging ang buong barkada nito.
Dahil sa isang insidente ay mapapalapit si Kosuke kay Mai. Dito na magsisimula ang kanilang pagkakaibigan matapos mag-prisinta si Mai na tulungan si Kosuke sa pag-aaral nito dahil kailanman ay hindi niya nakita ang binata na magseryoso sa pag-aaral. 'Di nagtagal ay unti-unti na ring napamahal si Mai sa binata subalit ang pagkakaiba ng kanilang layunin sa buhay ang magsisilbing malaking hadlang sa tila imposible nilang pagmamahalan.
Napanood ko na ang pelikula kung saan ito naka-base kaya hindi ko maiwasang ikumpara ang bersyong ito sa orihinal. Maganda ang kuwento ng You are the Apple of My Eye. Punung-puno ito ng musmos na pagmamahal. Nakakatuwang panoorin at kasabay nito ay mabigat din sa dibdib ang naging takbo ng kuwento.
Malaki ang naging pagkakaiba ng bersyong ito kumpara sa kaparehong Thai movie dahil iba ang istilo ng storytelling na ginawa dito sa 2018 version. Hindi ako namangha sa paraan ng pagkukuwento sa pelikula. May mga pagkakataong dragging ang mga eksena dahil na rin sa kakulangan ng koneksyon ng mga manonood sa ibang karakter na ang rason ay tila hindi sinsero ang mga tagpo. Hindi makatotohanan kaya hindi mo rin gaanong ramdam ang mga nangyayari.
Maganda ang chemistry nila Saito at Yamada subalit nakakalungkot na hindi maganda ang naging portrayal nila sa mga karakter na kanilang ginampanan. Dahil dito ay apektado ang kuwento, apektado ang kinalabasan ng buong pelikula. Mayroon itong nakakantig sa pusong istorya subalit nabigo silang maiparamdam ito sa mga manonood. Kung gusto mong panoorin ang palabas sa mas magandang mga kamay ay panoorin mo na lang ang orihinal na ipinalabas noong 2011.
No comments:
Post a Comment