Search a Movie

Thursday, April 30, 2020

To All the Boys: P.S. I Still Love You (2020)

Poster courtesy of IMP Awards
© Netflix Studios
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Lana Condor, Noah Centineo, Jordan Fisher
Genre: Romance
Runtime: 1 hour, 41 minutes

Director: Michael Fimognari
Writer: Sofia Alvarez, J. Mills Goodloe, Jenny Han (novel)
Production: Ace Entertainment, Awesomeness Films, Netflix Studios
Country: USA


Ano ang nangyayari pagkatapos ng happy ending sa isang romantic movie? Ito ang ipapakita ng To All the Boys: P.S. I Still Love You na susundan ang mga kaganapan sa naunang pelikula matapos pumasok sa relasyon ang mga bida nitong sina Lara Jean Covey (Lana Condor) at Peter Kavinsky (Noah Centineo).

Sa simula'y matamis at malambing ang bagong sibol na pag-iibigang binuo nila Lara Jean at Peter ngunit masusubok ang tatag ng kanilang relasyon sa pagdating ni John Ambrose McClaren (Jordan Fisher), ang kanilang kababata at katulad ni Peter ay isa rin sa mga lalaking nakatanggap ng liham ng pag-ibig mula kay Lara Jean.

Sa isang love triangle na mabubuo magsisimulang magkaroon si Lara Jean ng pangamba sa kaniyang unang pag-ibig. Magkakaroon ang dalaga ng agam-agam ukol sa nararamdaman nito sa binata gayun din na pagdududuhan nito ang pagmamahal na natatanggap niya mula sa kaniyang sinisintang si Peter.

Kuwento ito kung papaano nabubuo ang lover's quarrel. Mula sa insecurities, mula sa ex, mula sa first love, maraming kadahilanan at ilan lang ito sa mga nadali ng pelikula. Intimate ang naging pagsasabuhay nila Centineo at Condor sa kanilang mga karakter. Para akong nanonood ng biography movie ng isang magkasintahan. Sa madaling sabi ay makatotohanan, kikiligin ka, maiinggit at mapapa-sana all na lang sa tila ba'y perpektong relasyon ng dalawang bida.

Ang naging problema ay mabagal ang naging takbo ng istorya, makatotohanan pero predictable, hindi na bago at wala nang thrill. Pangkaraniwan lang ang kuwento at dahil dito ay hindi lumago ang karakter ng mga bida. Para lang itong additional sub-plot sa naunang pelikula na pinahaba lang upang maging isang tipikal na pelikula.

Nabigyan nila ng closure ang ilan sa mga supporting characters pero pagdating sa main characters ay wala masyadong malaking nangyari maliban sa LQ nila. Naghanap ako ng mas mabigat na conflict pero hindi ito naibigay ng palabas. Maayos naman ang pelikula pero ramdam mo na may kulang. Kumbaga sa pagkain ay kulang ng lasa.


No comments:

Post a Comment