Search a Movie

Wednesday, April 29, 2020

National Lampoon's Vacation (1983)

Poster courtesy of IMP Awards
© Warner Bros.
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Chevy Chase, Beverly D'Angelo, Anthony Michael Hall, Dana Barron
Genre: Adventure, Comedy
Runtime: 1 hour, 38 minutes

Director: Harold Ramis
Writer: John Hughes
Production: National Lampoon, Warner Bros.
Country: USA


Isa lang naman ang tanging nais ng padre de pamilyang si Clark Griswold (Chevy Chase) at ito ay ang maipasyal ang kaniyang pamilya sa lugar na tinaguriang "America's Favorite Family Fun Park" na Walley World. Ito ang lugar na kaniyang kinalakhan at gusto niyang maranasan din ito ng kaniyang mga anak. Kaya naman sa halip na sumakay ng eroplano ay minarapat ni Clark na bumiyahe ang buong pamilya sa lupa upang makabuo ng mga 'di malilimutang alaala habang sila ay naglalakbay.

Ito nga ang nangyari, subalit sa kasamaang-palad ay malayo ito sa inaasam ni Clark na masaya at nakakalugod dahil simula pa lamang ng kanilang mahabang biyahe ay sunud-sunod na ang mga problemang kanilang dadanasin.

Nasa pagitan ng dark at gross-out comedy ang brand of humor ng National Lamppon's Vacation. Nakakatuwa sa ilan pero para sa aking panlasa ay hindi pasok sa banga. Aaminin ko na mayroon din namang mga pagkakataon na natatawa ako sa ilang mga eksena pero hindi ako mahilig sa mga pelikulang komedya na ayos lang masira ang kuwento basta lang makapagpatawa at ganito mismo ang nangyari sa pelikula.

Maituturing na classic ang nasabing palabas pero hindi ko alam kung bakit mataas ang rating nito sa mga kritiko. Sa aking opinyon ay hindi rin kagalingan ang mga aktor dito pero hanga ako sa mensaheng nais iparating ng pelikula na maging positibo kahit na gaano man karami ang suliraning haharap sa iyo.

Isang masayang adventure movie kung pasok ito sa standards mo. Nakakatuwa namang panoorin kahit papaano pero story-wise ay marami itong pagkukulang dahil ang pokus ng pelikula ay ang magbigay ng tuwa sa mga manonood.


No comments:

Post a Comment