Poster courtesy of IMP Awards © Castle Rock Entertainment |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Sandra Bullock, Regina King
Genre: Action, Comedy, Crime
Runtime: 1 hour, 55 minutes
Director: John Pasquin
Writer: Marc Lawrence
Production: Castle Rock Entertainment, Village Roadshow Pictures, Fortis Films
Country: USA
Dahil sa kasikatang nakamit mula sa sinalihang Miss United States pageant bilang isang undercover ay mula sa pagiging FBI agent ay naging media relations officer na lang si Gracie Hart (Sandra Bullock). Kasabay nito ay ang pakikipaghiwalay sa kaniya ng kaniyang nobyong si Agent Eric Matthews (Benjamin Bratt) sa telepono dahilan upang hindi naging maganda ang pagtanggap dito ni Gracie.
Sampung buwan ang lumipas ay si Gracie na ang naging mukha ng FBI at darling of the press. Ang dating tomboyish nitong personalidad ay tuluyang nang naging feminine. Kabaliktaran naman nito ang ugali ni Agent Sam Fuller (Regina King) na siyang itinakdang maging bodyguard ni Gracie. Dahil sa magkaibang personalidad ng dalawa ay nahirapan silang magkasundo.
Ngunit masusubok ang teamwork ng dalawang agent nang maatasan silang magpunta sa Las Vegas upang imbestigahan ang pangngidnap sa reigning Miss United States at kaibigan ni Gracie na si Cheryl Frasier (Heather Burns) at ang Miss United States pageant host na si Stan Fields (William Shatner).
Una sa lahat, hindi ko nagustuhan ang ginawa nila sa karakter ni Matthews na matapos kang pakiligin sa part 1 ng pelikula ay bigla na lang aalisin sa part 2. Ang matindi pa rito ay ni wala siyang cameo at sa telepono lang ang break-up. Kung ako ang tatanungin ay katamaran lang ito sa parte ng mga writers dahil hindi na sila nakapag-isip pa ng mas magandang dahilan upang tanggalin ang karakter nito sa franchise.
Hindi rin kapani-paniwala ang biglaang pagbabago ni Gracie sa kaniyang personalidad. Tila ba ibang karakter na ang ipino-portray ni Bullock at ni katiting na original Gracie ay hindi mo na makikita sa kaniya. Nawala tuloy ang pagiging badass nito. Hindi ko alam kung sa pag-arte ba ni Bullock ang mali o sa pagkakasulat sa kaniyang karakter. Mabuti na lang at maganda ang kinalabasan ng additional character na si Agent Fuller upang mabalanse ang kakikayan ng bida. Enjoy panoorin ang tag-team ng dalawa sa kabila ng kanilang magkasalungat na pag-uugali. Ito ang naging highlight ng pelikula.
Pagdating sa kuwento, inulit lang nila ang mga pangyayari sa naunang pelikula. Ni-recycle lang nila ang naging formula ng Miss Congeniality kaya naman naging predictable na ang takbo nito. Wala nang bagong naipakita at wala nang aasahang kakaiba. Mabuti na lang at nakakatuwa ang dalawang bida nito na siyang nagsalba sa naturang palabas.
No comments:
Post a Comment