Poster courtesy of IMP Awards © DreamWorks |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Aaron Paul, Dominic Cooper, Imogen Poots
Genre: Action, Crime, Thriller
Runtime: 2 hours, 12 minutes
Director: Scott Waugh
Writer: George Gatins, John Gatins (story)
Production: DreamWorks, Reliance Entertainment, Bandito Brothers
Country: USA
Sa isang ilegal na karera laban kay Dino Brewster (Dominic Cooper) namatay ang kaibigan ni Tobey Marshall (Aaron Paul) na si Pete Coleman (Harrison Gilbertson). Ang masama pa nito ay kay Tobey nabaling ang sisi matapos palabasin ni Dino na wala siyang kinalaman sa naganap na karera dahilan upang makulong si Tobey ng dalawang taon.
Nang matapos ang kaniyang sintensya at makalaya ay isa lang ang nais gawin ni Tobey. Ito ay ang ipaghiganti ang namatay na kaibigan sa pamamagitan ng pagtalo kay Dino sa isang karera at isiwalat ang krimeng ginawa nito.
Dalawang salita lang ang masasabi ko sa kabuuan ng pelikula, trying hard. Masyadong trying hard na magmukhang cool ang pelikula. Para itong bata na pilit ginawa ang lahat upang maging ka-level lang ang mga ibang bata na astig. Imbis magmukhang astig ang mga bida ng palabas ay nagmukha silang swapang. Ang kanilang kayabangan ay hindi nakuha ang aking simpatya. Ganoon din ang bida nitong si Paul na pilit nagpapaka-suplado upang magkaroon ng kakaibang misteryo sa kaniyang karakter ngunit hindi ito bumagay. Tila ba ang buong cast ay may ibang karakter na ginagaya. Sinubukan din nilang gawing kakaiba ang karakter ni Imogen Poots upang hindi magmukhang tipikal na leading lady ngunit sa huli ay nauwi lang din ito sa pagiging tipikal na leading lady.
Ang isa pang ikinainis ko sa panonood ng Need for Speed ay ang over dramatic nitong musical scoring. Napaka-out of place ng mga kanta. Napakadramatic ng tugtog maski sa mga simpleng eksena lang tulad ng paglalagay ng gasolina. Tila tuloy big deal ito sa pelikula pero simpleng paglalagay lang pala ito ng gasolina.
Karamihan naman ng racing scenes dito na siyang highlight ng palabas ay mediocre at boring maliban sa naging climax nito na siyang naging kaabang-abang dahil kahit papaano ay gusto mong magbayad ang may sala. Story-wise ay maganda naman ito at disente, ang problema lang ay ang pagkakagawa sa mga karakter na bumida dito.

No comments:
Post a Comment