Poster courtesy of IMP Awards © Lionsgate |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Jacob Tremblay, Julia Roberts, Owen Wilson
Genre: Drama, Family
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Stephen Chbosky
Writer: Jack Thorne, Steven Conrad, Stephen Chbosky, R. J. Palacio (novel)
Production: Lionsgate, Mandeville Films, Participant Media, Walden Media
Country: USA
Ang Wonder ay tungkol sa kuwento ng batang si August "Auggie" Pullman (Jacob Tremblay) na mayroong medial facial deformity na tinatawag na Mandibulofacial Dysostosis. Sanggol pa lamang siya ay sumailalim na siya sa 27 na operasyon upang maayos ang mukha. Gayunpaman ay malayo parin sa normal ang naging hitsura nito.
Mula sa ilang taong pag-aaral sa kanilang sariling bahay ay magsisimula nang tahakin ni Auggie ang totoong buhay nang mag-enroll ito sa isang public school. Ito ngayon ang pino-problema ng kaniyang inang si Isabel Pullman (Julia Roberts) na hati ang opinyon sa pagpasok ni Auggie sa pampublikong paaralan. Gusto niyang maranasan ng kaniyang anak ang lumaki bilang normal na bata ngunit sa kabilang banda ay natatakot siya sa maaaring mangyari sa anak sa pagtuntong nito sa totoong mundo.
Ang dahilan kung bakit napakaganda ng pelikula ay dahil una, madali lang na mahalin ang mga karakter nito. Isinulat sila sa paraan na madali lang mahalin ng mga manonood. Susubaybayan mo sila dahil madali lang maka-relate sa pinagdadaanan nila lalo na sa mga taong may mga hindi pangkaraniwang hitsura sa kanilang katawan. Maganda ang ginawa nila sa mga supporting characters ng pelikula na binigyan ng kaniya-kaniyang point of view. Dito natin mas maiintindihan ang kanilang mga naging desisyon, kilos at saloobin. Hindi sila naging one-dimensional at hindi lang ang bida ang bumida kundi maging sila.
Pangalawa, napakaganda ng naging kuwento nito. Tungkol sa isang batang hindi normal at pamilyang takot sa maaaring kaharapin ng bata sa malawak na mundo. Mabilis mong magugustuhan ang bida nito hindi dahil sa kaniyang problema kundi dahil sa kaniyang personalidad. Hindi bubbly pero realista. Tiyak ding kagigiliwan ng lahat ang naging pagkakaibigan nila Auggie, Jack Will (Noah Jupe) at Summer (Millie Davis). Nakaka-good vibes silang panoorin, nagpapatunay lang na ang pagkakaibigan ay walang pinipiling anyo, kasarian at estado sa buhay.
At huli ay ang galing ng buong cast sa pag-arte. May pagkakataong maaawa ka sa kanilang karakter, matutuwa at mahahabag lalo na sa pinagdadaanan ng mga magulang nila Auggie. Maganda ang naging tandem nila Roberts at Owen Wilson, bibigyan ka nila ng aliw at sa parehong pagkakataon ay pangamba para sa kanilang anak. Dahil sa kapani-paniwala nilang pagsasabuhay sa kanilang karakter ay iba't-ibang emosyon ang mararamdaman mo sa panonood.
Ang hindi lang umangkop sa aking panlasa, na hindi naman gaanong kalaking problema, ay ang ginawa nilang conflict ng istorya. Medyo naiintindihan ko naman ang naging rason ng naturang conflict subalit dahil dito ay nagkaroon na ako ng ideya sa kung papaano ito masosolusyunan. Gayunpaman ay hindi ito naging isyu sa palabas, sa halip ay nabitin pa ako sa naging kuwento ng Wonder. Sulit ang panonood nito mula sa simula hanggang sa wakas. Bibigyan ka ng komedya, drama at higit sa lahat ay inspirasyon sa buhay.

No comments:
Post a Comment