Poster courtesy of IMP Awards © Universal Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Daniel Kaluuya, Allison Williams, Catherine Keener, Bradley Whitford
Genre: Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 44 minutes
Director: Jordan Peele
Writer: Jordan Peele
Production: Universal Pictures, Blumhouse Productions, QC Entertainment, Monkeypaw Productions,
Country: USA
Interracial na maituturing ang relasyon nila Chris Washington (Daniel Kaluuya) at Rose Armitage (Allison Williams) dahil puti si Rose samantalang African-American naman si Chris. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba sa lahi ng dalawa magkasintahan ay hindi natinag ang kanilang pagmamahalan. Patunay nito ay inimbitahan ni Rose ang kaniyang boyfriend sa kanilang bahay upang ipakilala ito sa kaniyang mga magulang.
Kabado man dahil sa maaaring sabihin sa kaniya ng mga magulang ni Rose ay nagtungo parin si Chris sa tahanan ng kaniyang girlfriend upang opisyal na magpakilala. Ngunit sa pananatili ni Chris sa tirahan ng mga Armitage ay isang malagim na sikreto ang kaniyang malalaman na pilit niyang tatakasan.
Kakaibang atake sa horror genre ang ginawa ng Get Out kung saan mas nag-focus ito sa psychological aspect ng istorya sa halip na gumamit ng mga nakasanayang panakot. Gagamitin nito ang misteryo at ang ka-weirduhang bumabalot sa pamilya Armitage upang makapagbigay ng takot sa manonood. Wala itong anumang multo, halimaw o serial killer. Ang kapakanan ng bida at kung saan maaaring humantong ang buhay nito ang siyang bubuo sa sarili nitong genre.
Simple lang ang storyline ng pelikula ngunit lalabas ang pagiging kakaiba nito dahil sa matalinong twist na inihanda para rito dahilan upang maging one of a kind ang Get Out. Magaling din ang naging portrayal ng buong cast lalo na si Kaluuya na siyang magbibigay representasyon sa mga emosyong iyong mararamdaman habang pinapanood ang kaniyang kuwento.
Tututukan mo ang Get Out hanggang sa katapusan dahil sa nakaw-interes nitong plotline, sa mamisteryong storytelling at sa galing ng cast. Hindi ka madidismaya dito dahil bago ang handog nitong kuwento, orihinal at napapanahon dahil sa racial topic nito.
No comments:
Post a Comment