Search a Movie

Wednesday, September 5, 2018

Nerve (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Lionsgate
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Emma Roberts, Dave Franco
Genre: Adventure, Crime, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 36 minutes

Director: Henry Joost, Ariel Schulman
Writer: Jessica Sharzer, Jeanne Ryan (novel)
Production: Allison Shearmur Productions, Keep Your Head, Lionsgate, Supermarché
Country: USA


Isang online game ang sinalihan ni high school senior na si Vee Delmonico (Emma Roberts). Ito ang "Nerve" kung saan iba't-ibang estranghero ang magbibigay ng mga pagsubok na siyang gagawin ng mga kalahok sa naturang laro kapalit ng ilang halaga ng pera. Noong una'y kinaya-kaya lang ni Vee ang mga dares na ipinataw sa kaniya sa tulong ng co-contestant niyang si Ian (Dave Franco) ngunit nang mapansin ni Vee na pahirap na ng pahirap ang mga sumunod na pagsubok at ilang buhay na ang napapahamak ay sinubukang umayaw ng dalaga ngunit huli na ang lahat dahil lahat ng kalahok ay wala nang kawala sa naturang online game.

Isang pelikula na ikaka-relate ng mga millenial dahil ito ay napapanahon kung saan ang mga gadgets at online games na nakasanayan ng kasalukuyang henerasyon ang bumida. Maganda ang naging screen chemistry nila Roberts at Franco, bumagay sa kanila ang mga karakter nilang teenagers at maganda ang naging representasyon nila sa mga ito. Tiyak na magkakaroon ka ng interes sa kanila dahil nakakakilig ang kanilang team-up. 

Nakaka-agaw pansin din ang naging storyline ng pelikula dahil ginawang makabago ang larong truth or dare na matagal nang bumenta sa ilang pelikula. Interesting ang mga naging dares sa palabas. Magkakaroon ka ng mild anxiety attacks dahil dito at kung thrill ang hanap mo ay 'di ka madidismaya dahil ito ang pangunahing maibibigay ng pelikula.

Ipapakita din ng Nerve kung gaano kasakim ang mga tao. Na wala silang paki-alam sa kapakanan ng iba basta ma-entertain lang sila. At matapang lang sila dahil sa kanilang pagiging anonymous katulad ng mga sikat ngayong bashers, trolls at keyboard warriors sa internet. 

Ang mas nagpaganda pa sa naturang pelikula ay ang song choices nito. Mas mai-enjoy mo ang mga kaganapan dito dahil sa mga ipinataw na pop songs. Hindi lang doon nagtatapos ang ganda ng scoring nito dahil sobrang epic din ng pasok ng mga kanta at hindi lang basta-basta ipinapatugtog. Maganda ang konsepto, magaling ang mga bida, ang Nerve ang palabas na bibigyan ka ng thrilling adventure at pure satisfaction.


No comments:

Post a Comment