Search a Movie

Sunday, June 14, 2020

Dolittle (2020)

Poster courtesy of IMP Awards
© Universal Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Robert Downey Jr., Harry Collett
Genre: Adventure, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 41 minutes

Director: Stephen Gaghan
Writer: Stephen Gaghan, Dan Gregor, Doug Mand, Thomas Shepherd, Hugh Lofting (book)
Production: Universal Pictures, Dentsu, Perfect World Pictures
Country: USA


Nabiyayaan ng talento na makipag-usap sa mga hayop ang veterinarian na si Dr. John Dolittle (Robert Downey Jr.). Magaling sa kaniyang larangan kaya naman dinadayo at pinagkakatiwalaan ng mga tao, maging ang reyna ng United Kingdom ay sumangguni sa kaniya para sa kaniyang tulong.

Subalit ang mapayapang buhay ni Dolittle ay biglang magbabago sa pagkawala ng pinakamamahal nitong asawa. Ibinukod ni Dolittle ang kaniyang sarili sa mga tao at isinara ang santuaryo ng mga hayop. Namuhay siyang mag-isa kasama ang mga alaga hanggang sa dumating ang araw na kinailangan ng reyna ang kaniyang tulong.

Sa pangambang baka bawiin sa kaniya ang kanilang tahanan ay lumabas si Dolittle mula sa kaniyang kanlungan upang tulungan ang reyna na kasalukuyang nanganganib ang kalusugan. Maibabalik lamang ang dating nitong sigla sa pamamagitan ng lunas na matatagpuan sa isang misteryosong isla, ang islang naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang yumaong asawa.

So-so lang ang naging kuwento ng Dolittle kung ako ang tatanungin, sa totoo lang ay forgettable din dahil marami nang adventure movie ang tumahak sa ganitong klase ng istorya: isang lunas na matatagpuan sa malayong lugar at kinakailangan ng bida, kasama ang kaniyang grupo, na hanapin ito at kaharapin ang ilang suliranin.

Nakaka-aliw pa rin naman itong panoorin kahit na papaano. Maganda ang CGI at masarap panoorin ang mga bumidang hayop na hayok sa kakulitan. Pagdating sa set-up, wardrobe, character design, make-up ay makikita mong pinagkagastusan ang pelikula kaya nakakalungkot lang na mayroon itong mediocre na istorya.

Tipikal fantasy-adventure movie man ang Dolittle ay enjoy pa rin itong panoorin lalo na kung kasama ang pamilya. Paniguradong magugustuhan ito ng mga bata, 'wag nga lang masyadong umasa sa kuwento dahil katulad ng maraming pelikula ay sumunod ito sa nakagawian nang formula.


No comments:

Post a Comment