Poster courtesy of IMP Awards © 20th Century Fox |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Kristen Stewart, Vincent Cassel, T.J. Miller, Jessica Henwick
Genre: Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 35 minutes
Director: William Eubank
Writer: Brian Duffield, Adam Cozad
Production: 20th Century Fox, Chernin Entertainment, TSG Entertainment
Country: USA
Isa na siguro sa mga pinakanakakatakot na lugar sa mundo ay ang ilalim ng karagatan. Katulad ng kalawakan ay marami pang dapat madiskubre sa ilalim ng dagat, mga nilalang at lugar na hindi natin alam ay kasama nating nabubuhay sa mundong ito. Ito ang ginamit ng Underwater para sa tono ng kanilang pelikula, ang takot sa kawalan ng kaalaman sa ilalim ng dagat.
Isang research at drilling facility ang Kepler 822 na matatagpuan sa kalaliman ng Mariana Trench. Ang naturang pasilidad ay wawasakin ng pinangangambahang lindol na siyang ikasasawi ng ilang crew nito. Isa sa mga nakaligtas sa nangyaring sakuna ay ang mechanical engineer na si Norah Price (Kristen Stewart) kasama ang kanilang kapitan na si W. Lucien (Vincent Cassel) at lima pang survivor.
Sa laki ng sira ng kanilang pasilidad ay kinakailangan ngayon nilang lumipat sa dati nilang istasyon na kasalukuyan nang abandondao at mararating lang nila ito sa pamamagitan ng paglalakad sa madilim at malawak na ocean floor. Sa kanilang pakikipagsapalaran sa isang estrangherong lugar ay isang kakaibang lamang-dagat ang kanilang makakadaupang-palad. Maliban dito ay kalaban din nila ang oras dahil sa unti-unting pagkawala ng kanilang oxygen.
Wala nang paliguy-ligoy pa, nagsimula agad ang pelikula sa mismong conflict ng kanilang istorya. Isa itong survival film kaya naman nagustuhan ko ang ginawa nilang pag-alis sa getting-to-know sa karakter at ilan pang boring stuff na karaniwang ginagawa sa mga ganitong klase ng palabas. Ibig sabihin ay mas marami silang oras para magbigay ng thrill at excitement para sa mga manonood.
Para itong space movie na ginawa sa ilalim ng dagat. Ang mga takot na mararamdaman mo sa kalawakan tulad ng limitadong oxygen, kawalan ng malawak na kaalaman sa lugar na iyong tkinatatayuan, at ang katotohanang malayo ka sa mga taong maaaring tumulong sa iyo kapag ika'y nasa ilalim na ng delubyo ang ipadarama ng Underwater sa mga manonood at ito nga ang nadama ko sa pagsubaybay sa istorya nito.
Simple lang ang kuwento pero ang magdadala ay ang premise nito, ang magandang cinematography at maayos na visuals at gayun din ang genre nito. Hindi pa rin approve sa akin ang acting ng bidang si Stewart dahil hindi pa rin siya makagawa ng ibang reaksyon at emosyon maliban sa mukha siyang constipated na 'di makahinga.
No comments:
Post a Comment