Poster courtesy of IMP Awards © Skydance Media |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Will Smith, Mary Elizabeth Winstead
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 57 minutes
Director: Ang Lee
Writer: David Benioff, Billy Ray, Darren Lemke
Production: Skydance Media, Jerry Bruckheimer Films, Fosun Group Forever Pictures
Country: USA
Plano na ni Henry Brogan (Will Smith), isang Marine Scout Sniper na ngayon ay nagta-trabaho bilang assassin sa Defense Intelligence Agency (DIA), ang mag-retire matapos nitong mapansin sa kaniyang huling misyon ang pagbabago sa kaniyang talas sa paghawak ng baril. Bukod dito ay mapag-aalaman din nitong inosente pala ang taong kaniyang pinaslang sa ilalim ng utos ng DIA.
Dahil sa panlilinlang na napag-alaman ni Henry ay ipinadala ng DIA ang kanilang agent na si Danny Zakarewski (Mary Elizabeth Winstead) upang magmasid sa mga galaw nito na agad namang nabisto ng binata. Kinagabihan, mula sa pamumuno ni Clay Varris (Clive Owen) ay isang elite private military na may codename na "GEMINI" ang ipinadala upang patayin si Henry, ang buong team nito at maging si Danny.
Sa paghahabol nila Henry at Danny sa katotohanan ay matutuklasan ng dalawa ang itinatagong alas ng GEMINI nang makaharap nila ang assassin na may codename na Junior (Will Smith) na mayroong parehong mukha at galing na tulad ni Henry.
Ayos naman ang kuwento, pero para sa akin ay masyadong simple ang kinalabasan nito para sa isang magandang konsepto. Walang aabangan, hindi mo pag-iinteresan ang istorya dahil wala naman itong ibinigay na bago. Sa rami ng mga action movies na nagawa na sa nagdaang dekada ay hindi ka na magugulat sa mga makikita mo sa palabas na ito.
Gayun pa man ay bumawi ang pelikula pagdating sa action choreography nito at kung ito naman ang hanap mo sa simula pa lang ay hindi ka talaga madidismaya. Na-enjoy ko ang bawat labanan lalo na ang habulan sa motor. Mapapa-wow ka na lang sa bawat sagupaan ng bida at kontrabida dahil sa astig nitong action sequences.
Okay din sa akin ang CGI maging ang make-up dito. Hindi naman ganoon kataas ang standard ko pagdating sa visual effects kaya namangha ako sa ginawa nilang pagpapabata sa mukha ni Smith lalo na't hindi naman ito halata dahil karamihan ng eksena kung saan mayroong screen time si Junior ay ginawa sa malamlam na setting. Kaya hindi na nakapagtataka na saka mo lang mapapansin ang CGI nito sa epilogue kung saan ang eksena ay nasa ilalim ng tirik na ang araw.

No comments:
Post a Comment